MALAKING impluwensya ang mga pagbansag o pag-stereotype ng mga bagay-bagay sa desisyon ng isang indibidwal. Kahit hindi pa ito napapatunayan, nagmumukhang totoo ang mga pagbansag na ito dahil sa paulit-ulit itong sinasabi.

Maraming bagay ang na-stereotype dahil sa mabababaw na basehan lamang. Ang pagiging Bisaya ang klasikong halimbawa.

Sa mga palabas sa TV, patalastas, o kahit mga dramang pan-radyo, walang palya ang pagpapata wa sa puntong Bisaya. Pero ano bang nakakatawa sa pagiging Bisaya?

Kung tutuusin, ang mga Bisaya o mga nagmula sa Visayan region ang isa sa mga pinakamaunlad sa Pilipinas, at ang rehiyon na ito ang isa sa mga pinakapayapa sa bansa.

Biktima rin ng stereotypes ang mga pelikulang Pilipino na hindi raw kagandahan, at pare-pareho lang ang mga kuwento mapa-aksyon, komedi, o love story.

At ang resulta, dahan-dahan ang pagbagsak ng industriya ng pelikulang Pilipino, kasabay na rin ang pagbagsak ng kalidad ng mga lumalabas na istorya. Ang pelikulang kinabibilangan ng mga sikat na aktor at aktres lamang ang kumikita sa takilya.

Tayo-tayo rin ang biktima ng ating baluktot na paniniwala.

Noong mga nakaraang taon, lumabas and mga pelikulang independent films kagaya ng Manifico, Babae sa Breakwaters, at Munting Tinig. Hindi pumatok sa takilya ang mga pelikulang ito sa bansa. Ngunit nang ipalabas sa ibang bansa, hinangaan ito ng mga banyaga.

Napatunayan ng mga pelikulang ito na hindi sila basta-basta. Kagaya ng Munting Tinig na nanalo ng halos 15 parangal mula sa loob at labas ng bansa. Kabilang na dito ang Jury Prize o second best picture sa Cleveland International Film Festival.

READ
Book alleges Church anomalies

Sa kasalukuyan, ang mga independent films ang humahakot ng mga gantimpala at parangal sa loob man o labas ng bansa, bagaman hindi sila tinatangkilik ng mga Pilipino dahil sa stereotypes.

Hindi man masyadong pumapatok ang mga ganitong pelikula sa ngayon, kitang-kita naman na dahan-dahan na itong natatanggap ng mga manonood.

* * *

May kalakip ding stereotype ang pagiging Tomasino na inaakala na mayaman ng mga pedicab drivers sa Legarda. Iniisip nila na kayang-kaya magbayad ng mga Tomasino ng P20 para sa maikling paghatid nila hanggang sa UST.

Mag-isa ka man, may kasama, o kahit tatlo man kayong nagsisiksikan sa maliit na pedicab, kailangan mong magbayad ng P20 dahil ganito raw talaga ang presyo pamasahe, ayon sa mga driver.

Ngunit napag-alaman, ko na P15 lang talaga ang pamasahe kung mag-isa, at tig-10 naman kung mayroon kang kasama kapag nanggaling ka sa may Legarda.

Sa aking palagay, dapat may regulasyon sa presyo ng pamasahe ng mga pedicab sa Legarda, dahil matagal na nilang sinasamantala ang pagsingil ng sobra sa mga estudyante, lalo na sa mga Tomasino. Mainam siguro na makipag-ugnayan ang mga opisinang namamahala sa kapakanan ng mga estudyante sa mga awtoridad.

* * *

Inaanyayahan ko ang mga aspiring journalist na sumali sa Inkblots 2006: the 8th UST National Campus Journalism Fellowship sa ika-17 hanggang-19 ng Oktubre, sa Thomas Aquinas Research Complex.

Sina Maria Ressa, Charie Villa, Quinito Henson, Ruel de Vera, at Vim Nadera ang ilan sa mga tagapagsalita sa taunang pagpupulong ng mga campus journalists mula sa iba’t ibang sulok ng bansa.

Para sa karagdagang impormasyon, maari kaying tumawag sa 406-1611 loc. 8235, o mag-email sa inkblots_fellowship@yahoo.com.ph.

READ
Another Thomasian to head CBCP

LEAVE A REPLY

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.