NABALOT kamakailan ng matitinding kontrobersya ang mundo ng pamamahayag sa bansa dahil sa mga balitang nagpapanggap, napgpipilit, at nagpaparatang upang maging balita.

Hindi maikakaila na ang mundo ng internet, partikular na ang mga social networking sites at blogs ay may kakayanang maghasik at magpakalat ng mga impormasyon sa madla—ngunit hindi lahat ng ito ay dapat paniwalaan o maski patulan man lang.

Sa simula ng taon, naging saksi ang marami sa inilabas na balita ng isang online publication na nagsasabing binali ng UST ang ilang mga alituntunin sa pagbibigay ng dissertation kay Chief Justice Renato Corona. Yumanig ang balitang ito hindi lamang sa online world kundi pati sa sulok ng pamamamahayag sa bansa na nagpaisip sa marami kung ano nga ba ang tunay na kapangyarihan at limitasyon ng balitang ito.

Sinundan din ito ng isa pang balita mula sa isang social networking site na nagpapakita ng isang komento mula sa UPCAT (UP College Admission Test) tungkol sa paglabas ng USTET (UST Entrance Test). Nariyan rin ang kumalat na Tumbler (isa ring social networking site) post mula sa isang mag-aaral na nagsasabing hindi raw siya bilib sa UST. Ang parehong pangyayari ay umani ng napakaraming batikos mula sa magkabilang panig sa online world at humantong pa sa paglalabas pa ng balita tungkol dito sa abs-cbn news.com

Ngunit kung susuriin mabuti ang epekto at kalidad ng mga balitang ito, tahasan nga bang masasabi na ito ay sumusunod sa tamang pamantayan ng responsableng pamamahayag? Sa edad na malayang nakapagpapahayag ang sinuman sa internet, hindi na halos maihiwalay kung ano ang nararapat basahin, patulan o gawan ng balita. Marami riyan ang nagpapanggap, napgpipilit, at nagpaparatang upang maging balita.

READ
Despite changes, RH bill must be rejected 'in its entirety,' says lawmaker

Ang mga kaganapang ito ay nagpatanong sa akin kung ano nga ba ang limitasyon ng kalayaan ng mga mamahayag, lalo na ngayon kung kalian pati mismo ang dapat na nagbabantay sa media ay tila nalalabuan sa kalayaang ito.

Bilang bahagi ng tinatawag na “media sphere,” nasa kamay ng mga mamamahayag ang kapangyarihan na idikta sa mga tao o ang mga bumubuo sa “public sphere” kung ano ang mahalaga sa hindi, kung ano ang tunay sa hindi totoo. Ang kapangyarihang ito ay hindi nangangahulugang kalayaan sa pagpapalaganap ng mga paratang o maski ang pagsesen-sationalize sa mga balita.

Hindi totoong walang alam ang mga Tomasino sa online journalism. Sa katunayan, isa sa mga subject sa kursong Journalism sa Unibersidad ay ang Information Technolgy in the Newsroom. Lahat din ng mga estudyante sa paaralan ay gumagamit ng E-learning Access Program o e-LeAP kung saan ginagamit ang teknolohiya ng online world upang makapag-aral. Ngunit kailanman ay hindi namin ito ginamit upang makapagpahayag ng mga negatibo at mapanirang komento sa iba.

Kalayaan—iyan ang hanap ng bawat tao sa mundo. Matagal na ipinaglaban at hinanap ito ng bawat isa, ang kalayaan ang nagtutulak sa atin upang magpursige kahit imposible at hanapin ang katotohanan sa bawat kuwentong ating naririrnig. Hindi kailangang abusuhin. Ang kalayaan ay may kalakip na responsibilidad na dapat isipin ng bawat isa sa bawat pagbibitiw ng salita.

Nakita ng buong mundo ang pagsasara ng Wikipedia sa isang buong araw noong ika-18 ng Enero upang magprotesta sa mga 2 bills na Stop Online Piracy Act SOPA at Proper Ip Act o PIPA na nasa US Congress na ngayon. Ang kaganapang ito ay isang hakbang lamang upang bawasan ang kalayaan ng paggamit ng kapangyarihan ng Internet.

READ
Black scenes on white sand

Ang kalayaan sa pamamahayag o maski sa impormasyon ay hindi kailanman maaaring mapinid. Ngunit tandaan, ani nga ni pareng Spiderman, “With great power comes great responsibility.”

LEAVE A REPLY

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.