PANANATILIHIN ng UST High School (USTHS) ang paggamit ng numero para sa mga marka ng mga mag-aaral nito, taliwas sa probisyong nakapaloob sa K to 12 Basic Education Program ng Department of Education (DepEd) na ipinatupad ngayong akademikong taon.

Mga letrang may katumbas na kahulugan ang gagamiting marka sa report cards ng mga mag-aaral mula Grade 1 hanggang 10 alinsunod sa DepEd Order No. 31 Series of 2012.

“The student’s attainment of standards in terms of content and performance is a critical evidence of learning,” ayon sa DepEd. “Students are not just expected to understand, but they should be able to demonstrate or provide evidence of understanding.”

Ngunit napagpasiyahan ng pamunuan ng USTHS na panatilihin ang paggamit ng numero sa marka ng mga mag-aaral sa Grade 7 batay sa performance ng mga ito.

“The level of proficiency and the corresponding equivalent numerical value shall be included in the report card to give the parents and students a description of the student’s level of proficiency,” ani Emmanuel Batulan, kalihim ng USTHS.

Sa Grade 7 lamang muna magiging epektibo ang naturang patakaran sapagkat ang mga second year hanggang fourth year na mag-aaral ngayong taon ay hindi saklaw ng programang K to 12. Sa pagtatapos ng mga natitirang baitang, ang USTHS ay magsisimulang mag-alok ng Grade 7 hanggang 10 at ang patakarang ipatutupad ngayon ay magiging epektibo na rin sa mga susunod na baitang.

“The deans, together with the academic affairs office, are coming up with plans as to what kind of senior high school the University will offer,” aniya. “They are planning this school year, but definitely, the University will offer senior high school.”

READ
Isyung tissue at pagbabalik-sarili

Limang levels of proficiency ang inihalili ng DepEd sa mga katumbas nitong porsyento: B para sa Beginning, D para sa Developing, AP para sa Approaching Proficiency, P para sa Proficient, at A para sa Advanced.

Ang Beginning na may katumbas na markang 74 porsyento pababa ay nangangahulugang ang mag-aaral ay nahihirapan pa sa pag-unawa, samantalang ang Developing na may markang 75-79 porsyento ay nangangahulugang ang mag-aaral ay mayroong mababang kaalaman at kakayahan, at nangangailangan ng patnubay ng kaniyang mga guro at kamag-aral.

Ang mag-aaral naman na makatatanggap ng Approaching Proficiency, na may katumbas na 80-84 porsyento, ay may husay sa kaalaman at kakayahan na kung magagabayan pa ng mga guro at kapwa mag-aaral ay magagampanan ang kaniyang tungkulin nang may sapat na pag-unawa.

Samantala, ang mag-aaral na Proficient, na may katumbas ng markang 85-90 porsyento, ay may malawak na kaalaman at may kakayahang magbahagi ng tulong nang walang paggabay. Ang Advanced, na may katumbas markang 90 porsyento pataas, ay nangangahulugang ang mag-aaral ay lumagpas na sa inaasahang antas ng kaalaman at kakayahan.

Nakasaad sa utos ng DepEd na dapat pag-igihin ng mga paaralan ang kanilang kurikulum upang umangkop sa vision at mission ng kagawaran, nang hindi nasasakripisyo ang total learning development ng mga mag-aaral.

“Modifications have been made to enhance the curriculum based on the school’s goals and objectives,” ani Batulan.

Karagdagang oras

Bahagya ring binago ng USTHS ang time allotment o ang pagbabahagi ng oras sa bawat asignatura na ibibigay sa mga mag-aaral ng Grade 7.

“The [USTHS] model of the implementation of K to 12 Basic Education curriculum has an increased number of minutes per week compared with the prescribed DepEd Model,” ani Batulan. “Since we have been practicing that [increased number of minutes] even before the implementation of K to 12, we maintained the same set-up of enhanced time allotment.”

READ
CCP show focuses on portraiture

Batay sa panukala ng DepEd, mayroong 240 minutong nakalaan bawat linggo para sa mga asignaturang English, Mathematics, Science, Filipino, MAPEH, at Technology and Livelihood Education (TLE), samantalang 180 minuto naman ang nakalaan para sa Araling Panlipunan at 120 minuto sa asignaturang Christian Living Education.

Gumugugol ang mga mag-aaral ng USTHS ng 80 minuto para sa English, Mathematics, at Science araw-araw sa bawat linggo at 40 minuto naman sa iba pang asignatura bago pa man ipatupad ang nabanggit na programa.

Alinsunod sa K to 12, mababawasan ng limang minuto kada araw ang mga asignaturang English, Mathematics, at Science sa USTHS. Ilalaan ang mga nabawas na oras sa iba pang mga asignatura tulad ng MAPEH.

Ang asignaturang Araling Panlipunan naman ay madaragdagan ng 70 minuto bawat linggo. Sampung minuto naman ang madaragdag sa Filipino, 60 minuto sa TLE, at 130 minuto naman sa Christian Living Education, samantalang ang asignaturang MAPEH ay mababawasan ng 85 minuto.

“Such deficiency or lowering of the time allotment [in MAPEH] could be well-compensated by the existing comprehensive co-curricular program which include the Glee Club, Music Ensemble, Arts and Crafts Club, Cultural Dance Troupe, and the Pep Squad,” ani Batulan.

Iba pang pagbabago

Kabilang sa mga pinagtutuunan ng pansin ng pamunuan ay ang Independent/Cooperative Learning (ICL) at ang paggamit ng spiral approach sa pagtuturo ng mga asignatura na pawang nakasaad sa implementasyon ng K to 12.

Sa pamamagitan ng ICL, mabibigyan ang mga mag-aaral ng pagkakataong pumili kung nais nilang mag-aral nang mag-isa o nang may kasama, ayon sa DepEd.

Ayon kay Batulan, ang oras na ito ay magagamit naman nang wasto. “We have assigned teachers to facilitate the learning activity,” aniya.

READ
9th USTv Awards focuses on Catholic Year of Faith

Susunod rin sa spiral approach ang USTHS kung saan pag-aaralan ng mga mag-aaral ang kanilang mga asignatura habang unti-unting inaangat ang difficulty at depth ng mga ito kada taon upang maiwasan ang pagkakabisa lamang.

LEAVE A REPLY

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.