BINAGO ng Unibersidad ang pangalan ng ilang mga tanggapan alinsunod sa pagpapalakas ng mga serbisyo nito.

Ang Guidance and Counseling Department ay kilala na sa tawag na University Counseling and Career Center (UCCC), bahagi diumano ng mga hakbang tungo sa pagpapakadalubhasa sa paggabay sa bawat Tomasinong mag-aaral, partikular sa mga karerang kanilang tinatahak.

“The structural changes in the department will bring about intensified career programs and services such as career competencies training, industry partnerships, mock interviews, on-campus recruitment, career coaching, internships, and externships. These activities aim to facilitate career success for every Thomasian,” ayon sa opisyal na Facebook page ng UST.

Mayroong 43 guidance counselors at 16 satellite offices ang UCCC sa buong Unibersidad, na direktang nasa ilalim ng Office of the Vice Rector for Academic Affairs.

Kikilalanin naman sa bagong pangalan na Office of the Vice Rector for Research and Innovation ang dating Office for Research and Innovation.

Ang dating titulong Assistant to the Rector for Research and Innovation ni Prop. Maribel Nonato ay itinaas sa hanay ng mga pangalawang rektor at tatawagin na Vice Rector for Research and Innovation.

Ang Office of the Vice Rector for Research and Innovation na unang tinawag na Office for Research and Development ang namumuno sa programang pananaliksik ng Unibersidad. Kabilang rito ang Research Center for Natural and Applied Sciences; Research Cluster on Culture, Education and Social Issues; Research Center for Health Sciences at Center for Health Research and Movement Science.

Ito rin ang namamahala sa Intellectual Property and Technology Transfer Office at nagsisiguro sa implementasyon ng intellectual property policies sa Unibersidad.

READ
Supply havens just around the corner

Pinalitan na rin ang pangalan ng UST High School, na ngayon ay UST Junior High School na. Ito ay dahil sa napipintong pagbubukas ng UST Senior High School sa isang taon (basahin ang kaugnay na balita sa p. 1). J.P. Villanueva

LEAVE A REPLY

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.