Sunday, October 6, 2024

Tag: Agosto 29, 2015

Senior high school, ilulunsad na

UPANG makasunod sa pambansang reporma sa edukasyon, nakatakdang ilunsad ng Unibersidad sa akademikong taon 2016-2017 ang Senior High School (SHS), na magdaragdag ng ika-11 at ika-12 na baytang sa mataas na paaralan.

Ayon sa opisyal na pahayag ng UST sa Facebook PAHINA nito, ang SHS ay alinsunod sa mga pamantayan sa ilalim ng Philippine Qualifications Framework at ASEAN Qualifications Framework, kung saan inuuri ang antas ng kasanayan at edukasyon na kailangan bilang kuwalipikasiyon sa iba’t ibang trabaho.

Si Pilar Romero, kasalukuyang supervising teacher ng Christian Living sa Education High School ng Unibersidad, ang magiging punong-guro ng SHS na magbubukas ng klase sa Gusaling Buenaventura Garcia Paredes, O.P. sa isang taon.

Dating rektor at iba pang Tomasino, nominado sa Nat’l Book Awards

KABILANG ang dating rektor ng Unibersidad sa mga Tomasinong manunulat na nominado para sa taunang National Book Awards.

Ang sanaysay na “We Become What We Love” ni P. Rolando V. de la Rosa, O.P. ay nominado sa Essay Category-English Language ng nasabing patimpalak. Magaganap ang opisyal na paglulunsad ng kaniyang bagong libro, na inilimbag ng UST Publishing House (USTPH), sa mismong araw ng parangal sa Setyembre.

Tumayong rektor ng Unibersidad si de la Rosa noong 1990 hanggang 1998, at muli noong 2008 hanggang 2012. Nagsilbi rin siyang tagapangulo ng Commission on Higher Education noong 2004 hanggang 2005.

UST nanguna sa Medicine, Nutrition, OT, PT exams

NAMAYAGPAG ang mga Tomasino sa nagdaang licensure examinations para sa Medicine, Nutrition and Dietetics, Occupational Therapy (OT) at Physical Therapy (PT).

Muling pumangalawa ang Unibersidad sa katatapos na Nutritionist-Dietitian Licensure Examinations.

Nagtala ng 98.77-porsiyentong passing rate ang UST kung saan 80 sa 81 na kumuha ng pagsusulit ang pumasa. Higit na mataas ito sa 90.53-porsiyentong passing rate noong nakaraang taon o katumbas ng 86 na Tomasinong pumasa mula sa 95 na kumuha ng pagsusulit.

Nasa ikapitong puwesto sa listahan ng 10 na nakakuha ng pinakamatataas na marka ang Tomasinong si Chelsea Rae Mercadillo na nagtamo ng 83.15-porsiyentong marka.

UST Baybayin, inilimbag sa Lumina Pandit II

PATULOY ang UST Archives sa pagpapabatid ng kahalagahan ng katutubong sistema ng ating pagsusulat, isang taon makalipas pormal na igawad ang titulong National Cultural Treasure (NCT) ng National Archives of the Philippines (NAP) ang koleksiyon ng sinaunag mga dokumento na nasusulat sa Baybayin na pawang matatagpuan lamang sa Arkibo ng pinakamatangdang pamantasan sa Asya.

Ang Baybayin ang alpabeto ng mga sinaunang Tagalog bago pa man dumating ang mga Kastila na nagpakilala ng pagsusulat sa alpabetong Romano. Binubuo ng 14 katinig at tatlong patinig ang Baybayin na nagmula sa panahong bago pa man dumating ang mga Kristiyano o mga Muslim sa Filipinas.

UST gagawing modelong career center

SA TULONG ng bansang Amerika, inilunsad ng UST Counseling and Career Center (UCCC), dating Guidance and Counseling Department, ang isang proyektong layong maging “model career development center” ang Unibersidad sa Filipinas.

Ang programang Career Development Center ay tutulong na maging mas handa ang mga Tomasino sa pagkuha ng mga trabaho. Ito ay sa ilalim ng Science, Technology, Research and Innovation for Development Program (STRIDE) ng United States Agency for International Development.

Mga departamentong GenEd inianib sa Artlets

PITONG akademikong departamento mula sa pamamahala ng Office of the Vice Rector for Academic Affairs ang isinailalim na sa Faculty of Arts and Letters (Artlets) upang masunod ang alituntuning “vertical articulation” na atas ng Commision on Higher Education (CHEd).

Dahil sa pagbabago, lumobo sa 350 mula 165 ang bilang ng mga miyembro ng faculty sa Artlets.

Naipatupad ang pagkakahanay ng mga departamento ng Philosophy, Literature, English, History, Foreign Languages, Political Science at Economics sa fakultad noong ikalawang semestre ng akademikong taon 2014-2015.

Sampu na ang departamento sa Artlets kabilang ang mga departamento ng Communication and Media Studies, Interdisciplinary Studies, at Sociology na dati nang nasa ilalim ng fakultad.

Ugnayan ng CRS sa Malaysia, magsisimula na

KASADO na ang ugnayan ng College of Rehabilitation Sciences (CRS) at ng INTI International University sa Malaysia para sa student and faculty mobility programs at research collaborations.

“It is really academic enhancement. With ASEAN 2015 and the move to be global, we really have to go beyond the confines of the University. We have to let our students experience the world outside while they are still in the program,” ani Cheryl Peralta, dekano ng CRS.

Mga opisina, binigyan ng bagong ngalan

BINAGO ng Unibersidad ang pangalan ng ilang mga tanggapan alinsunod sa pagpapalakas ng mga serbisyo nito.

Ang Guidance and Counseling Department ay kilala na sa tawag na University Counseling and Career Center (UCCC), bahagi diumano ng mga hakbang tungo sa pagpapakadalubhasa sa paggabay sa bawat Tomasinong mag-aaral, partikular sa mga karerang kanilang tinatahak.

“The structural changes in the department will bring about intensified career programs and services such as career competencies training, industry partnerships, mock interviews, on-campus recruitment, career coaching, internships, and externships. These activities aim to facilitate career success for every Thomasian,” ayon sa opisyal na Facebook PAHINA ng UST.

12,000 sumali sa UST Freshmen Walk

BITBIT and makukulay na bandera, lobo at mga instrumento, masayang dumaan sa ilalim ng Arch of the Centuries ang 12,815 bagong mag-aaral ng UST noong ika-5 ng Agosto bilang bahagi ng taunang “Welcome Walk” na simbolo ng kanilang pagiging ganap na Tomasino.

“Sobrang saya at magical ng experience kasi ramdam mo na welcome ka talaga,” ani Eliza Elento, estudiyante mula sa College of Fine Arts and Design. “Ganap na ganap na Thomasian na kami.”

Ayon sa Office of the Registrar, naitala ang pinakamaraming bilang ng mga freshmen sa Faculty of Arts and Letters na pumatak sa 1,404, pumangalawa naman ang Graduate School freshmen na nasa 1,302 at pumangatlo ang Faculty of Engineering na may 1,252 na freshmen.

Pag-aaral ng Tomasinong nars, kinilala sa Thailand

KINILALA ang kakayahan ng Unibersidad na maglabas ng dekalibreng mga Nursing graduate at alumni sa pag-aaral na nagwagi ng Best Paper Award sa isang komperensiya sa Thailand.

Sa nakalipas na 1st International Conference on the Development of Economy, Society, Environment and Health noong ika-23 hanggang 24 ng Hulyo sa Thailand Science Park Convention Center, kinilala ang mataas na passing rate ng UST sa taunang Nursing board exams.

LATEST