Tag: Agosto 29, 2015
3 bagong dekano, itinalaga ng UST
TATLONG bagong dekano ng Unibersidad ang naglalayong mas mapabuti pa ang antas ng edukasyon sa UST upang makasabay sa ibang bansa.
Hinirang na bagong dekano ang mga propesor na sina Aleth Therese Dacanay ng Faculty of Pharmacy at Allan de Guzman ng College of Education. Si Romeo Castro naman ay tumatayong dekano ng College of Fine Arts and Design (CFAD).
Matapos maglingkod ng dalawang taon bilang kalihim ng Faculty of Pharmacy, si Dacanay ay hahalili kay Prop. Elena Manansala, samantalang papalitan naman ni De Guzman ang officer in charge na si P. Jesus Miranda O.P. na pansamantalang humalili sa dating dekano na si Clotilde Arcangel.
Pagpapakatotoo at pagiging Filipino
MADALAS kong itinatanong sa sarili na kung ipinanganak kaya akong lahing Kanluranin sa halip na Filipino, mas magiging maganda kaya ang aking buhay?
Mula pagkabata, hinubog ako ng mga tradisyon at kaugaliang sariling atin na tunay na maipagmamalaki. Lumaki akong sanay na magmano at gumamit ng "po" at "opo" bilang tanda ng pagrespeto sa mga nakatatanda.
Madalas akong kumain nang nagkakamay. Nabuo ang aking pagkabata sa paglalaro ng mga larong katutubo kabilang na ang tumbang preso, patintero, at luksong-baka.
Naaalala ko pa noong musmos pa lang ako, paborito kong panuorin ang “Batibot,” “Sineskwela,” “Hiraya Manawari” at iba pang lokal na programang pambata.
Piling-piling pelikula ng ating panahon
“ANONG paborito mong pelikula?”
Malaki ang posibilidad na banyagang pelikula ang sagot mo, at malapit na akong sumang-ayon sa ibang nagsasabi na wala na talagang patutunguhan ang industriya ng pelikulang Filipino subalit hindi maaaring magbulag-bulagan ako sa ibang lokal na pelikulang nag-aalok ng alternatibong perspektibo at karanasan.
Nakakasawa nga naman kung paulit-ulit lamang ang kwento o storyline ang makikita sa takilya. Paulit-ulit na usapang kabit, pag-iibigang mayaman at mahirap, at kung ano pa mang kwentong halos wala nang (at madalas) kwenta pero bumebente pa rin dahil sikat ang mga artistang gumaganap sa mga ito.
Kasarinlan para sa mga may kapansanan
KUNG ikaw ay ipinanganak na may kapansanan, nakikita ka ba ng iba bilang isang tao sa unang tingin? O ang iyong inkapasidad ba agad ang nagbibigay ng depinisyon sa iyong pagkatao?
Ayon sa pinakahuling datos ng World Health Organization (WHO) noong 2010, mahigit sa isang bilyon o 15 porsiyento ng populasyon sa buong mundo ang mayroong pisikal na kapansanan na nagsisilbing hadlang sa kanilang pamumuhay. At 80 porsiyento mula sa bilang na ito ay mula sa mga developing countries, kung saan limitado ang serbisyong rehabilitasyon para sa kanilang kalagayan.
Pagpapakatao sa social media
BINIYAYAAN ang tao ng kapasidad na intindihin ang iba na kung tawagin ay “empathy” o pang-unawa, na nagsilbing gabay sa paglaganap (o instrumento ng pagkawasak) ng mga sibilasyson at kultura na humubog sa mundong ginagalawan natin ngayon.
Ayon sa pag-aaral nina Jean Decety at Kalina Michalsa ng Social Cognitive Neuroscience Laboratory, naaayon sa pangangailangan ng ebolusyon ang kapasidad ng tao na umunawa, at nalilinang ito habang tayo ay tumatanda.
Hindi na mahirap isipin na ang ating pang-unawa rin ang nagiging susi upang makisama sa iba, kahit na ang personal na pakikisama ay pinapalitan na ng chat log at Skype.
UST kasado sa malakas na lindol
HANDA ang Unibersidad sa posibleng pagdating ng “The Big One”—ang lindol mula sa West Valley Fault na maaaring umabot sa 7.2 magnitude at magdulot ng malawakang pinsala sa kalakhang Maynila.
Matapos mailunsad ang “shake drill” sa kalakhang Manila noong ika-30 ng Hulyo, ang pangkalahatang hatol sa pagresponde ng Unibersidad ay tiyak ang kahandaan para sa kalamidad.
Batid ng direktor ng Office of Public Affairs na si Giovanna Fontanilla na matagumpay at maayos na nailunsad ang earthquake drill dahil sa maagang pagpaplano at masigasig na pag-aaral ng mga posibleng sitwasyon sa isang lindol. Malaking tulong rin ang seryosong pakikiisa ng mga tao sa aktibidad.
Maiiwasan ba ang food poisoning?
MAHIGPIT na magkatunggali ang suka-sibuyas-pipino combo at ang minatamis na sawsawan sa tradisyunal na tambayan sa kanto lalo na’t pinag-aagawan ito ng mga mamimiling dalubhasa sa pagkain ng tokneneng, isaw at iba pang street food.
Lingid sa kaalaman ng Tomasinong street food gourmet, umaabot sa 40 milyon hanggang 81 milyon ang nagiging kaso ng foodborne illnesses sa buong mundo kada taon. Nakapapatay ito ng 8,000 hanggang 12,000 na katao taun-taon, ayon pa sa datos ng Quality Partners Company Ltd.
Propesor ng biology kinilala ng Metrobank Foundation
KINILALA ang isang Tomasino bilang isa sa sampung Outstanding Teachers ng Metrobank Foundation Inc. para sa kaniyang kontribusyon sa larangan ng biology.
Si Thomas Edison de la Cruz, propesor, tagapangulo ng Department of Biological Sciences ng College of Science at isang mananaliksik mula sa Research Center for Natural and Applied Sciences (RCNAS), ay isa sa mga nagwagi para sa Higher Education category, kasama si Analyn Salvador-Amores ng University of the Philippines-Baguio.
Taxonomy ang pangunahing interes ni de la Cruz na kaniyang nakuha noong nag-aaral siya sa Braunschweig University of Technology sa Alemanya para sa kaniyang doktorado noong 2006. Tumatalakay ang disiplina sa pagkilala ng mga uri at klase ng hayop at halaman.
Pagkukulang ng administrasyong Aquino, inilahad ng mga obispo at lider Katoliko
NAGKULANG ang kasalukuyang administrasyon sa pagpapatupad ng nararapat na aksiyon upang malutas ang problema sa korupsiyon at kahirapan sa bansa, pahayag ng ilang Katolikong lider bansa.
Inilahad ni Obispo Broderick Pabillo, auxiliary bishop ng Maynila, ang ilang butas sa mga isinambit ng pangulo sa kanyang huling State of the Nation Address (SONA).
Ayon kay Pabillo, ang mga nabanggit sa SONA ni Pangulong Benigno Aquino III noong ika-27 ng Hulyo ay mga magagandang bagay na kanyang nagawa, ngunit nakaligtaan nitong banggitin man lang ang kaniyang mga pagkukulang.
CBCP suportado ang edukasyon tungo sa tamang pagboto
SUPORTADO ng Simbahang Katoliko ang pag-eendorso ng mga laiko ng kanilang mga pambato sa pambansang halalan sa 2016.
Subalit iginiit ni Arsobispo Socrates Villegas, pangulo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), na hindi kailanman mag-eendorso ng kandidato ang Simbahan. Ipauubaya ang pagpili sa mga botante nang naaayon sa turo ng Simbahan, aniya.