NAGKULANG ang kasalukuyang administrasyon sa pagpapatupad ng nararapat na aksiyon upang malutas ang problema sa korupsiyon at kahirapan sa bansa, pahayag ng ilang Katolikong lider bansa.

Inilahad ni Obispo Broderick Pabillo, auxiliary bishop ng Maynila, ang ilang butas sa mga isinambit ng pangulo sa kanyang huling State of the Nation Address (SONA).

Ayon kay Pabillo, ang mga nabanggit sa SONA ni Pangulong Benigno Aquino III noong ika-27 ng Hulyo ay mga magagandang bagay na kanyang nagawa, ngunit nakaligtaan nitong banggitin man lang ang kaniyang mga pagkukulang.

“Yung mga kapalpakan niya, hindi niya binanggit katulad ng Mamasapano, pork barrel, Freedom of Information at Disbursement Acceleration Program. Hindi niya talaga binigay yung totoong ‘state of the nation,’” ani Pabillo sa Varsitarian sa isang panayam.

Sa huling SONA ng Pangulo, ipinagmalaki ni Aquino ang mga kaunlarang tinamo ng bansa sa ilalim ng kanyang pamamalakad. Inilahad niya sa kanyang SONA ang pagbuti ng kalagayan ng ekonomiya ng bansa simula ng kanyang termino noong 2010.

Ani Aquino, may stable inflation rate na 1.7 porsiyento sa loob ng ikalawang quarter ngayong taon. Ilan pa sa mga inihayag niya ay ang unemployment rate para sa taong 2015 na pumalo ng 6.8 porsiyento, ang pinakamababang natamo simula noong 2005.

Ang administrasyon din di umano ni Aquino ang may pinakamaraming nailaan sa mga sector ng edukasyon at pangkalusugan. Bilang halimbawa, ibinida niya ang kaniyang proyekto na Pantawid Pilipino Program na nagbigay ayudo sa 4.4M na pamilya.

Gayunpaman, hindi sang-ayon si Pabillo sa ibinida ng pangulo na “pag-unlad ng kalagayan ng mga mahihirap.”

READ
Former Archi dean honored

Ayon sa kanya, dumarami ang pera ng bansa ngunit sa mga nasa “itaas” napupunta at hindi sa mga tunay na nangangailangan.

“Hindi naman naging inclusive ‘yung growth. Ibig sabihin kung tumaas man ‘yung ating income, yung GDP natin, hindi naman bumaba sa pangangailangan ng mga tao,” aniya.

Dagdag ni Pabillo, maraming ibang solusyon ang maaaring gawin upang mabawasan ang kahirapan sa bansa tulad na lamang ng land reform at pagbibigay ng permanenteng trabaho sa mga mamamayan.

Sang-ayon si P. Guiseppe Arsciwals, O.P., rektor ng Santo Domingo Church, na hindi pa rin nawawala ang kahirapan sa bansa at iginiit na hindi ito matatanggal sa isang iglap.

“It will take a lot of time and effort. Perhaps, hindi pa nagti-trickle down yung mga programs for the poor kaya hindi pa ito nasusugpo,” ani P. Arsciwals.

Hinimok ni P. Arsciwals na dapat mas pagtuunan ng pansin ng Pangulo ang mga kailangan ayusin sa halip na balikan ang mga pagkukulang ng nakaraang administrasyon.

“It’s very easy to blame the previous administration. I think tama na ‘yung blaming ng previous administration and just stick to what he has done,” aniya.

‘Cultural problem’

Sa isang liham pastoral kaugnay ng SONA at ng nalalapit na eleksiyon noong Agosto 11, ipinaliwanag ni Arsobispo Socrates Villegas, pangulo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippibes (CBCP), na ang korupsiyon ay isang “cultural problem” at kinakailangang pagtuunan ng malaking pansin.

“The problem of corruption has become cultural. It has become part of our cultural norm behaviour so it will certainly take more than just policies. Because the problem of corruption is really systematic, we have to be very serious about this,” ani Villegas.

READ
Shotgun journalism

Ani Villegas, nararapat pa ring pagtuunan ng pansin ang mga mahihirap lalo na at binigyang-diin ni Aquino ang umanoy pag-unlad ng ekonomiya ng bansa.

“While there are figures to prove that investments have risen and that economic fundamentals are strong, as pastors, we are deeply concerned with the inclusiveness of economic gain. Government and corporate figures remain items of cold statistics until they are translated into better lives by those now most disadvantaged,” sambit niya.

LEAVE A REPLY

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.