PINATALSIK sa serbisyo ang isang security guard matapos magreklamo ang isang estudyante ng kasong sexual harassment noong Agosto 29.

“Hindi namin pinababayaan ang ganitong reklamo, higit pa kung nagmumula sa mga estudyante. Pilit naming binibigyan ng karampatang aksyon ang bawat reklamong idinudulog sa aming opisina,” wika ni Norberto Brosas, Detachment Commander ng Office for Security Affairs, tungkol sa pagpapatalsik kay Roque Esteron.

Ayon sa biktima, mula sa Faculty of Arts and Letters, papasok siya noon sa St. Raymund building, mga ika-3 ng hapon, nang maganap ang insidente.

“Upon entering the AB gate, Esteron harassed me by taking his nightstick and tapping me on inappropriate part of my body,” wika ng biktima.

Ayon sa reklamo ng biktima kay Brosas, nakawastong uniporme at nakasabit ang kanyang I.D., kaya wala siyang makitang dahilan upang sitahin siya ni Esteron.

“I came to school wearing the proper prescribed uniform, white blouse with lambda, navy blue skirt and closed black shoes. I even had my I.D. pinned where it was visible. This is why I do not understand the cause of such behavior,” ayon sa reklamo ng biktima.

Idinagdag pa ng biktima na hindi dapat pinalalampas ang ganitong mga pangyayari. Sa halip na ang mga security guards ang nagpapanatili ng katahimikan at kaayusan sa loob ng Unibersidad, sila pa ang nagiging sanhi ng problema.

“We should not have to go through this kind of hassle under the security guards, who are employed to maintain order and protect students. This infringes on our right to have a healthy atmosphere for learning,” wika ng biktima.

READ
CBCP pinagbawal ang online gambling

Samantala, isang magnanakaw naman ang nahuli, sa loob ng Cooperative Canteen noong Agosto 28.

Nahuli ang suspect na si Agapito Berdin, 60 taong gulang, nakatira sa 401 Aquarius St., Calaoocan City, matapos mahuli sa aktong pagkuha ng bag ng biktimang si Lourdes Donato, isang mag-aaral mula sa College of Science.

Ngunit dahil naibalik naman ang gamit ng biktimang si Donato, hindi na ito nagsampa ng kaukulang kaso laban kay Berdin. Karen M. Peña

LEAVE A REPLY

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.