TATLONG bagong dekano ng Unibersidad ang naglalayong mas mapabuti pa ang antas ng edukasyon sa UST upang makasabay sa ibang bansa.

Hinirang na bagong dekano ang mga propesor na sina Aleth Therese Dacanay ng Faculty of Pharmacy at Allan de Guzman ng College of Education. Si Romeo Castro naman ay tumatayong dekano ng College of Fine Arts and Design (CFAD).

Matapos maglingkod ng dalawang taon bilang kalihim ng Faculty of Pharmacy, si Dacanay ay hahalili kay Prop. Elena Manansala, samantalang papalitan naman ni De Guzman ang officer in charge na si P. Jesus Miranda O.P. na pansamantalang humalili sa dating dekano na si Clotilde Arcangel.

Si Castro, instructor mula sa departamento ng Industrial Design, ang kapalit ni Cynthia Loza na nagsilbing dekano ng CFAD mula 2009.

Ugnayan sa labas ng bansa

Layunin ng tatlong bagong dekano na mapalawak pa ang ugnayan ng Unibersidad sa labas ng bansa.

“We need to increase the linkages internationally. With the advancements in technology, we need to develop and update the curriculum that best prepares the students for the industry,” wika ni Castro sa isang interbyu sa Varsitarian.

Inamin ni Castro na kailangan pang pagbutihin ng CFAD ang pananaliksik.

“The research capacity of a university is something international communities look at, so we need to also work on that. We can admit that the college still has a lower output in research so we are focusing on that. However, it is not an overnight process,” ani Castro.

Sa isang interbyu kay Dacanay, patuloy na bumubuo ang Unibersidad ng isang “rich academic environment.”

READ
Where are your values for life?

Sa kanyang paunang talumpati bilang dekano, hinikayat ni Dacanay ang 3,389 na kasapi ng Faculty of Pharmacy na harapin ang mga umuusbong na hamon dulot ng moderninasyon at globalisasyon.

“I am proud to be leading the faculty where innovative and rigorous academic programs are being taught by not only competent but excellent faculty, providing students with the opportunity to become part of an institution that is dedicated to making a global impact through cutting-edge research, education, clinical practice and professional service,” aniya.

Plano ni Dacanay na dagdagan ang mga seksiyon ng clinical pharmacy at bumalangkas ng mga estratehiya upang mapanatili ang matataas na resulta ng board exams sa Pharmacy at Medical Technology sa tulong ng enrichment programs.

Para naman kay de Guzman, ang College of Education ay lugar para sa makabagong mga tagumpay sa larangan ng teacher education, nutrition and dietetics, food sciences at library and information science.

“As the new servant leader of the College of Education, I have this strong conviction that the college is a fertile ground for innovative breakthroughs in the areas of teacher education, nutrition and dietetics, food sciences and library and information science,” ani de Guzman sa isang panayam. “[W]e shall adopt a collaborative framework that will operate under the dictum ‘dividing the work, multiplying the results’.” D.A.F. Gabriel, C.I. Hormachuelos at A.A.M. Peralta

LEAVE A REPLY

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.