KASADO na ang ugnayan ng College of Rehabilitation Sciences (CRS) at ng INTI International University sa Malaysia para sa student and faculty mobility programs at research collaborations.

“It is really academic enhancement. With ASEAN 2015 and the move to be global, we really have to go beyond the confines of the University. We have to let our students experience the world outside while they are still in the program,” ani Cheryl Peralta, dekano ng CRS.

Bilang isang programang nagbibigay ng pagkakataong makapag-aral o makapagtrabaho sa ibang bansa ang isang mag-aaral habang tinatapos ang kaniyang kurso, layunin ng student and faculty mobility program na matulungang maihanda ng mga mag-aaral ang kanilang sarili para sa iba’t ibang “potential areas of practice” na maari nilang siyasatin pagtapos ng kanilang pag-aaral.

Maliban sa napirmahang memorandum of understanding, mayroon nang mga pinaplanong programa ang CRS.

“We have planned at least one outbound and one inbound student mobility program for this school year,” ani Peralta.

Bagama’t pinaplano pa rin, bahagyang nagbahagi ang dekano tungkol sa sistema ng pagpili ng mga mag-aaral na sasailalim sa programa.

“When we choose the students, we do not only consider kung willing sila magbayad o kung interesado sila. Hihingan din ang mga mag-aaral ng outputs mula sa kanilang naging pag-aaral,” ani Peralta.

Dagdag pa niya, maraming maitutulong ang ganitong mga programa para sa mga mag-aaral tulad ng pagiging exposed sa state-of-the-art facilities at ang mas malawak na kaalaman sa cultural competency dulot ng interaksyon sa mga mag-aaral mula sa ibang bansa.

Kabilang ang Niigata University of Health and Welfare ng Japan, Seton Hall University at California Baptist University sa Estados Unidos at Hong Kong Polytechnic University sa mga pamantasan na mayroon nang naunang partnerships sa CRS. Clarence I. Hormachuelos

READ
Mating games

LEAVE A REPLY

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.