SA TULONG ng bansang Amerika, inilunsad ng UST Counseling and Career Center (UCCC), dating Guidance and Counseling Department, ang isang proyektong layong maging “model career development center” ang Unibersidad sa Filipinas.

Ang programang Career Development Center ay tutulong na maging mas handa ang mga Tomasino sa pagkuha ng mga trabaho. Ito ay sa ilalim ng Science, Technology, Research and Innovation for Development Program (STRIDE) ng United States Agency for International Development.

“STRIDE aims to promote better linkages and communication between academe and industries that employ its graduates. The Career Development Center can definitely build the gaps between work-related student competencies and industry needs through more activities that are very relevant, up-to-date, and readily accessible; and through strengthened and increased linkages in different sectors here and abroad,” ani Prof. Lucila Bance, director ng UCCC, sa isang panayam.

Magkakaroon ng on-campus training para sa mga miyembro ng UCCC sa ilalim ng mga kasangguning akademikong institusyon sa Estados Unidos na kabilang sa proyekto. Inaasahan din ang mas makabagong sistema sa counseling at pag-abiso sa mga mag-aaral ukol sa mga karera na akma sa kanilang kakayahan at pinag-aralan.

Sa susunod na tatlong taon, bubusisiin ng UCCC kasama ng ilang international consultants ang iba’t ibang aspekto ng proyekto sa UST.

“The counselors will focus on the employability of our students once they graduate from the University,” ani Bance.

Ngayong akademikong taon, nilatag ng UCCC ang mga proyekto tulad ng “Thomasian Assessment Towards Competence and Empowerment” (ThomACE), isang personality and skill assessment program, at ang Thomasian Career Readiness and Employment (ThomCARE) na magtatampok ng career fair at mga externship programs.

READ
UST Jazz Band rocks at the 5th Manila Jazz Festival

LEAVE A REPLY

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.