BAGONG halaman, sa Unibersidad ipinangalan.

Ngayon, ang mga mahihilig magkape ay maaari nang kilalanin ang kapeng “Tomasino” o Mussaenda ustii, mula sa bansag ni Grecebio Alejandro ng College of Science. Hango sa pangalan ng Unibersidad o Uste, ang Mussaenda ustii ay isa lamang sa limang bagong tuklas na halamang kape sa Pilipinas.

Ipinaliwanag ni Alejandro na ipinangalan niya sa Unibersidad ang nasabing halaman noong 2005 dahil ang kulay ng mga bulaklak nito ay nagtataglay ng opisyal na kulay na sinasagisag ng Unibersidad, ang gintong dilaw.

Ayon pa kay Alejandro, ang Mussaenda ustii ay isang kilalang mayamang uri ng Rubiaceae na kadalasang tinatanim at pinararami sa mga botanical gardens sa iba’t ibang parte ng mundo dahil sa magaganda, mahahaba, at mabubukadkad nitong bulaklak.

Bukod sa halamang ipinangalan sa Unibersidad, ang pag-aaral ni Alejandro ng Philippine Rubiaceae genus ay naging daan upang mas makilala ang 27 na Philippine Mussaenda species at tatlo pang magkakaibang uri. Sa kaniyang pag-aaral, nadiskubre niya ang limang bagong species at isang variety.

Inihandog ni Alejandro ang kaniyang pag-aaral, “Study in the Philippine Rubiaceae (coffee plant): An Interactive key to the Genera and Revision of the Genus Musseanda,” sa isang taunang pagpupulong ng Department of Plant Systematics ng University of Beyreuth sa bansang Germany.

Kabilang sa pag-aaral ni Alejandro ay ang pagbubuo at pagpapalawak ng isang illustrated interactive key ng lahat ng Rubiaceae genera sa Pilipinas na magpapadali sa pagkilala ng mga pangunahing components ng isang gubat na ginagawan ng pag-aaral. Dahil dito, mas madaling mabibigyang kahulugan ang impormasyon mula sa mga species na makikita roon.

READ
Dimalanta's little-known work on Aquinas disclosed

Aniya, ang kakulangan ng sapat na kaalaman sa generic descriptions ng mga halamang Rubiaceae sa Pilipinas ang nagtulak sa kaniya upang ilunsad ang naturang pag-aaral.

Idinagdag pa ni Alejandro na ang Pilipinas ay masagana sa mga halaman ngunit ang pagkakaroon ng isang detalyadong published catalogue ukol sa mga halamang ito ay hindi pa naisakatuparan.

Tomasino siya

Alam n’yo bang isang Tomasino ang kauna-unahang Pilipinong obispo na itinalaga ni Pope Benedict XVI?

Si Bishop Jose Rojas, Jr. ay nagtapos ng Licentiate in Theology sa Central Seminary ng Unibersidad taong 1982.

Siya ay itinalagang auxiliary bishop ng Archdiocese ng Caceres sa rehiyon ng Bicol noong Hulyo 2005. Ang pagkakatalaga kay Rojas ay ipinahayag ni Archbishop Antonio France, papal nuncio ng bansa taong 1999, sa isang sulat na ipinadala niya sa Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP).

Ang pormal na pagpapahayag ay sinundan ng episcopal ordination ni Rojas noong Setyembre 15 ng parehong taon.

Si Rojas ay ipinanganak noong Agosto 18, 1956 at nagtapos ng Philosophy sa Holy Rosary Major Seminary sa Naga City noong 1973. Nagsimulang magsilbi sa Diyos si Rojas noong Marso 29, 1981 sa parehong lungsod.

Matapos ang kurso sa Unibersidad, nagtungo si Rojas sa Belgium upang magtapos ng Masters in Religious Studies noong 1985, Doctorate in Religious Studies, at Doctor of Sacred Theology noong 1987.

Ang pagiging auxiliary bishop ni Rojas ay nagtatalaga sa kaniya bilang katuwang ni Archbishop Leonardo Legaspi, O.P., Obispo ng Archdiocese ng Caceres, mula taong 1981 hanggang sa kasalukuyan.

Si Legaspi ay nagtapos din sa Unibersidad.

READ
Oldest Filipino bishop dies at 92

Tomasalitaan

Emir (png)—ruler

Mas madaling makaguguhit ng tuwid na linya ang mga mag-aaral ng Arkitektura kung gagamitin nila ang kanilang emir.

Mga Sanggunian

The Varsitarian: Tomo LXXVII Blg. 2, ika-15 ng Hulyo 2005

The Varsitarian: Tomo LXXVII Blg. 4, ika-9 ng Setyembre 2005

LEAVE A REPLY

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.