9 Agosto 2014, 7:17 p.m. – PINAGKALOOBAN ng isang UST alumna ng educational scholarship ang isang out-of-school youth na sumikat sa social media dahil sa kahusayan nito sa Matematika.

Ang 10-taong gulang na si Gerald Tamayo ay tumanggap ng scholarship para sa kolehiyo sa Unibersidad, sa kursong Civil Engineering, mula sa Tomasinong si Alicia Ngipen.

Si Ngipen ay anak ng may-ari ng kumpanyang Aster DM Healthcare-Philippines.

Habang nag-aaral pa si Tamayo sa elementarya at high school, bibigyan din siya ng buwanang tulong-pinansyal ng Aster DM Healthcare, isang pribadong kumpanyang nakabase sa Dubai.

Ipinahayag ni Tamayo ang kanyang planong makapagtapos ng pag-aaral para makatulong sa kanyang lola na kumupkop sa kanya at sa dalawa pa niyang kapatid na iniwan ng kanilang ina.

“Gusto ko pong makatulong sa lola ko. Gusto ko pong maging engineer,” ani ni Tamayo sa panayam ng programang Wish Ko Lang sa GMA-7.

Tumigil si Tamayo ng pag-aaral sa elementarya dala ng kahirapan, at napilitang magbenta ng sampaguita sa kahabaan ng España, malapit sa UST.

Sumikat si Tamayo sa social media bilang batang “Math whiz” matapos i-upload noong ika-25 ng Hulyo ang isang video kung saan walang kahirap-hirap niyang sinagot ang mga matematikal na tanong tungkol sa square roots.

Kwento ni Tamayo, tinuruan siya ng mga teknik upang mabilis na makalkula ang square root ng mga numero ng isang grupo ng mga estudyante sa Engineering na kanyang nakilala sa paglalako ng sampaguita sa paligid ng UST. D. T. Cudal

READ
Protesters gather at Liwasang Bonifacio to push for K to 12 suspension

1 COMMENT

  1. Truly, GOD answers prayer. I can’t remember the exact date when first time I watched this video report. I was amazed then also. And after watching it, I whispered a prayer “Lord, bless the young lad and grant his desire and let Your power be known for giving him special gift.” So, I’m so pleased GOD indeed answered my prayer for him too. God bless too Madam Alicia Ngipen for her big heart to that young lad. Keep up the good works!
    And of course, thank you to those people who uploaded his video in the social media. I’m sure you are very happy for the result. GOD bless you all!!!

LEAVE A REPLY

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.