23 Agosto 2014, 11:11 a.m. – HINIRANG bilang kampeon ang patnugot ng palakasan ng Varsitarian sa taunang Willie Caballes Philippine Basketball Association (PBA) Sports Writing Contest sa awards night ng PBA Press Corps noong Huwebes.

Dinaig ni Paul Kennedy Lintag ang humigit-kumulang 40 kalahok mula sa iba’t ibang kolehiyo at unibersidad sa pagsulat ng balita tungkol sa laban ng Rain or Shine at San Mig Coffee sa elimination round ng PLDT Home Telpad Governors’ Cup noong ika-16 ng Hunyo.

Ayon kay Lintag, isang Journalism senior, sumali siya sa patimpalak para sa karanasan at oportunidad na makapasok bilang miyembro ng PBA Press Corps sa hinaharap.

“Sumali ako to gain experience lalo na graduating [na ako],” ani Lintag.
Dagdag ni Lintag, malaking tulong sa kanyang pagkapanalo ang naging karanasan niya sa opisyal na pahayagan ng UST sa nagdaang isa’t kalahating taon.

“Nung ginawa ko yung story, inisip ko lang na parang gumagawa ako ng breaking news [para] sa Varsitarian. Walang paligoy-ligoy, direct to the point [at] under pressure,” aniya.

Tumanggap si Lintag ng tropeo at P7,000 na gantimpala sa gabi ng parangal na idinaos sa Richmonde Hotel sa Quezon City. Pumangalawa sa patimpalak si Enzo Aycardo ng Ateneo de Manila University na tumanggap ng P5,000 at pumangatlo naman si Mark Joven Deklantar ng Polytechnic University of the Philippines na tumanggap ng P3,000. J. P. Villanueva

READ
UST tops architecture board exams

LEAVE A REPLY

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.