HINDI kinilala ng Office for Student Affairs (OSA) ang Thomasian Writers Guild (TWG) at Alpha Phi Omega (APO) bilang mga opisyal na organisasyon sa Unibersidad para sa akademikong taon 2014-2015, dahil sa hindi pagdalo ng mga opisyal nito sa taunang Leadership Training Seminar (LTS).

Ayon kay Allan Hernandez, kinatawan ng OSA para sa mga organisasyon, ang pagdalo sa taunang LTS ay kailangan upang kilalanin na opisyal ang isang organisasyon. Mayroong tatlong LTS na dapat daluhan ang mga organisasyon bago kilalanin ng OSA.

“As early as February and March, we were already informing [the organizations] of the tentative schedule of the LTS, and even advised them to block their schedules for [the month of] April,” ani Hernandez sa isang panayam sa Varsitarian.

Ngunit ayon kay Rafael Villanueva, pangulo ng TWG, hindi sila nasabihan ng OSA tungkol sa naturang LTS kaya hindi sila nakapagpadala ng kinatawan para rito. “It’s really a failure to communicate. I was able to attend the two other required LTS meetings … The [main LTS] isn’t even free. As a lot of people know, attending the LTS costs quite a sum of money,” ani Villanueva.

Ayon naman kay Hernandez, hindi nagkulang ang OSA sa pagpapaalala sa mga opisyal ng mga organisasyon tungkol sa LTS. “I have a proof of an e-mail addressed to their organizations, plus the announcements regarding the LTS that were disseminated online through social media accounts such as Facebook,” aniya. “On our part, kapag kami ang nagkulang, we give way. But if we took all the [necessary] measures, wala na kaming magagawa.”

READ
Dominicans welcome new priests

Kasama sa mga benepisyo ng pagkilala sa mga organisasyon ang karapatang maningil ng membership fee at gumamit ng mga pasilidad ng Unibersidad para sa mga proyekto nito.

Kahit na hindi kinilala ng Unibersidad, patuloy ang pagsasagawa ng TWG ng mga workshops at seminar sa mga miyembro nito sa mga pampublikong lugar. Ito rin ang naging gawain bago ito maging ganap na organisasyon ang TWG noong 2008, ayon kay Villanueva.

“This year’s non-recognition has not crippled the guild in terms of its primary objective which is to hone the writing skill of its members. As a writing guild, the focus is more on developing the skill of the individuals who comprise it,” aniya.

Samantala, sinubukang kunin ng Varsitarian ang panig ng APO ukol sa kanilang non-recognition bilang isang fraternity, subalit tumanggi itong magbigay ng pahayag.

Kasalukuyang may 190 na kinikilalang organisasyon ang Unibersidad, kasama ang mga iba’t ibang college-based organizations at dalawang bagong university-wide organizations, ang Bosconian Thomasian Youth Movement at Thomasian Film Society. Dayanara T. Cudal

LEAVE A REPLY

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.