WALANG nabuong pakikipagkasundo sa pagitan ng UST at ng tatlong dating guro sa College of Fine Arts and Design (CFAD) na natanggal sa serbisyo matapos hindi pumirma ng waiver mula sa Office of the Vice-Rector for Academic Affairs and Research.

Ayon kay Raymond Antiola, isa sa mga guro sa CFAD na tinanggal, hindi dumating ang mga kinatawan ng UST sa unang pagdinig noong Hulyo 18 samantalang dalawang beses nang ipinagpaliban ang pagdinig sa National Labor Relations Commission (NLRC), sa paniniwalang malulutas pa ang kaso sa pamamagitan ng maayos na usapan.

Ang susunod na pagdinig ay sa Setyembre 27.

Ayon naman kay Arsenik Pagaduan, in-house counsel ng UST, matutuloy ang kaso dahil wala namang nabuong “settlement.” Hindi na nagbigay pa ng karagdagang pahayag si Pagaduan at sa NLRC na lamang daw ipapahayag ang mga detalye.

Matatandaang kinasuhan nila Antiola, Raymond Son, at Wilfredo Pollarco, mga dating propesor sa CFAD, ang ilang opisyal ng UST sa kasong “unfair labor practice” at “illegal dismissal” sa NLRC noong ika-5 ng Hulyo.

Nagsimula ang hidwaan matapos magpatupad ang Unibersidad ng “no master’s, no teaching load policy” sa mga propesor, isang hakbang na nagmula sa isang memorandum ng Commission on Higher Education na nagtatadhana na minimum requirement para sa mga guro sa kolehiyo ang master’s degree.

Binigyan lahat ng propesor na walang masters’ ng waiver na magpapawalang bisa sa isang probisyon sa 2006-2011 Collective Bargaining Agreement na mate-tenure ang isang propesor matapos ang limang magkakasunod na semestre.

Hindi pumirma ang tatlong propesor ng CFAD, na wala pa ring mga master’s degree matapos ang limang taong pagtuturo, dahil labag daw ito sa kanilang “prinsipyo.”

READ
New exam policy trims scholars

Umalma rin ang UST Faculty Union dahil labag umano ito sa karapatan ng mga propesor.

May 30 propesor ng College of Nursing ang pumirma sa waiver noong Hunyo at nabigyan ng probationary status. Darenn G. Rodriguez at Charmaine M. Parado

LEAVE A REPLY

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.