(Larawan mula sa UST Facebook page)
2 Agosto 2015, 8:23 a.m – KINILALA bilang mga ganap na propesor ang labingsiyam na guro
mula sa iba’t-ibang fakultad at kolehiyo ng Unibersidad, sa isang Misa na
inialay ng Rektor P. Herminio Dagohoy, O.P. noong ika-31 ng Hulyo sa Central
Seminary Chapel.
Kabilang sa mga bagong talagang ganap na propesor ay sina
Augusto Antonio Aguila, Imelda de Castro, Robert Montaña at Marciana
Agnes Ponsaran mula sa Faculty of Arts and Letters.
Sa College of Commerce and Business Administration, kinilala rin
bilang mga ganap na propesor sina Belinda de Castro at Ma. Belinda Mandigma.
Sina Dr. Buena Fe Apepe, Dr. Peter Ng, Dr. Jocelyn Que, at Dr.
Clara Rivera naman ang mga bagong ganap na propesor sa Faculty of Medicine
and Surgery.
Kinilala rin sina Rowena Chua at Lily Famadico ng College of
Nursing kasabay nina Jovencio G. Apostol at Aleth Therese Dacanay mula
sa Faculty of Pharmacy.
Sina Ma. Claudette Agnes, Jose Bergantin, Jr. at Ma. Carlota Decena
mula sa College of Science ay ginawaran rin ng titulo.
Sa Institute of
Religion, kinilala si Noel Asiones. Si Edna Quinto ang bukod-tanging
ginawaran ng titulo mula sa Faculty of Engineering.
Sa kaniyang homiliya, sinabi ni P. Dagohoy na ang mga ganap na
propesor ay “nabibilang sa mga natatangi at walang pagod na
nagtataguyod ng kahusayan sa kanilang mga larangan.”
Ang mga bagong talagang propesor ay ginawaran ng professorial
medal sa Misa.
Ang pagiging ganap na
propesor ang pinakamataas na ranggong maaaring makuha ng isang gurong
nagtuturo sa Unibersidad. Ito ay ibinibigay matapos ang pagsusuri ng Office
of the Vice-Rector for Academic Affairs. J. P. Villanueva