ITINALAGANG opisyal na awit para sa pagdiriwang ng ika-800 taon ng pagkakatatag ng Order of Preachers ang komposisyon ng isang Filipinong Dominiko.
Ayon kay P. Guiseppe Arsciwals, O.P., kompositor ng Dominican Jubilee Hymn at rektor ng Dambana ng Santo Domingo sa lungsod Quezon, layunin ng awit na “Laudare, Benedicere, Praedicare” na ipaalala ang ganda ng Dominikong pamumuhay at hikayatin ang mga laiko na makisali sa pagdiriwang.
Sa isang taong, gugunitain ng mga Dominiko ang lumipas na walong siglo simula noong aprubahan ng Santo Papa Honorio III ang orden taong 1216.
Ani P. Arsciwals, bawat saknong ng kanta ay naglalarawan sa misyong isinasabuhay ng mga Dominiko—pag-aalay sa Diyos at pagpapalaganap ng Mabuting Balita.
Ipinahihiwatig nito na dapat tularan si Santo Domingo de Guzman, ang nagtatag ng pandaigdigang orden ng mga tagapangaral kung saan ang mga kasapi ay kilala bilang mga Dominiko.
“‘Laudare, Benedicere, Praedicare’ itself describes the life of the Dominicans. The title speaks for itself,” aniya sa isang panayam.
Nagsimulang mapukaw ng kanta ang atensiyon ng mga mananampalataya nang manalo ito sa International Competition for a Jubilee Hymn ng International Liturgical Commission of the Order of Preachers, noong nakaraang “There was a competition organized by the curia of the Dominican Order in Rome. They invited composers to put music into the lyrics that they have created,omaniya.
Ani P. Arsciwals, hindi naging madali ang paggawa ng kanta sapagkat ang titik nito ay binubuo ng apat na banyagang wika—Latin, Kastila, Ingles at Pranses, mga opisyal na wika ng Order of Preachers.
Epekto sa laiko
Para kay Richard Pazcoguin, katuwang na director ng Campus Ministry, ang Jubilee Hymn ang magsisilbing daan upang magkaroon ng kaalaman ang laiko sa buhay Dominiko.
Dagdag niya, ang huling bahagi ng kanta ay humahamon sa laiko na dalhin ang pananampalataya sa lahat.
“Ang unang epekto siguro ay awareness, kung ano talaga `yung Dominican identity. `Yung huling saknong nu’ng kanta, hinahamon ka niya,” ani Pazcoguin.
Ngunit hindi magiging madali ang pag-unawa nito sa laiko, ayon kay Joan Trocio, associate professor mula sa Institute of Religion. “Ang karisma talaga ni Santo Domingo ay preaching. Nandito naman `yun sa kanta,” aniya.
Iginiit ni Trocio na ang pinakadiwa ng turo ni Santo Domingo ay mananatiling nakaukit sa mensahe ng kanta. Daryl Angelo P. Baybado at Marie Danielle L. Macalino