(Litrato mula sa Facebook page ni Kenneth Bandivas)31 Agosto 2015, 11:10p.m. – ISANG Tomasino ang pambato
ng Pilipinas laban sa 55 na bartender mula sa iba’t ibang bansa sa isang
pandaigdigang paligsahan.

Si Kenneth Bandivas, ang punong “mixologist” ng
Alcohol by Volume o ABV Makati, ang isasabak sa kumpetisyong Diageo Reserve
World Class na idaraos sa Cape Town sa Johannesburg, South Africa sa ika-31 ng
Agosto hanggang ikaapat ng Setyembre.

Aasahang gagawa ang mga kalahok ng natatanging inumin na
maaring kumatawan sa kanilang bansa.

Bagaman baguhan sa negyosyo, agad na umangat ang ABV nang
magwagi si Bandivas sa kaniyang inumin na “Jupiter 22” laban sa mga
kilalang bartender ng bansa sa finals ng Timog-Silangang Asya noong Hulyo.

Nagtapos ng kursong Hotel and Restaurant Management si
Bandivas noong 2011.

LEAVE A REPLY

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.