31 Agosto 2015, 11:10p.m. – SA UNANG pagkakataon,
dalawang Tomasino ang pinagkalooban ng Commission on Higher Education (CHEd) ng
scholarship upang makapag-aral sa Malaysia.

Mula sa Fakultad ng Sining at Panitik sina Socrates Jerome
de Guzman at Kiana Katherine Porras, na pawang nasa ikaapat na taon sa
programang Asian Studies. Sina De Guzman at Porras ang kauna-unanahang mga
Tomasino sa Asean International Mobility Students Exchange Program Scholarship
(Aims).

Mula sa pitong areas of study ng Aims kabilang ang
Hospitality and Tourism, Agriculture, International Business, Food and
Technology, Economics at Engineering, ang “Language
and Culture”
tier ang ipinagkaloob ng CHEd sa programang Asian Studies ng
UST.

Kasama ng UST sa Aims program
ang University of the Philippines, Ateneo de Manila, De La Salle University at
Saint Louis University.

Ang dalawang Tomasinong scholar ay mamamalagi ng limang
buwan sa Malaysia kasama ang mga mag-aaral sa University of Malaysia at kapwa
exchange students galing sa ibang bansa sa Asean.

Ang Aims program ay bahagi ng isang kasunduan sa pagitan ng
mga miyembro ng Asean na payagang makapag-aral ang ilang estudyante sa ibang
bansa sa rehiyon ng libre.

Inilunsad ang Aims noong 2010. Pormal na isinama ang
Pilipinas sa programa noong 2013. Clarence I. Hormachuelos

LEAVE A REPLY

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.