BILANG tugon sa mabilis na pagsulong ng teknolohiya, nakatakdang maglunsad ang Faculty of Engineering ng elective subject na tumatalakay sa “robotic integration” para sa Akademikong Taon 2016-2017.

Ayon kay Asst. Prof. Nelson Pasamonte, katuwang na dekano ng fakultad, matagal na itong balak ipatupad dahil isa ang robotics sa mga pangangailangan ng industriya ng inhinyeriya ngayon.

“[Kailangan nating] magkaroon ng competitive edge,” ani Pasamonte.

Mga mag-aaral na nasa ika-apat at ika-limang taon mula sa departamento ng electronics and communication engineering, electrical engineering, mechanical engineering at industrial engineering ang unang sasabak sa bagong asignaturang ito.

Magiging bahagi ang robotics ng bagong curriculum ng mga piling departamento ng fakultad sa 2018. Sa kasalukuyan, plano munang gawin itong elective subject habang pinag-uusapan ang ilang pagbabago sa curriculum ng fakultad.

Tig-isang guro mula sa mga departamento ng mechanical, electrical at electronics and communication ang sasailalim sa pagsasanay na pangungunahan ng mga tauhan mula sa Adhesives and Paints Application Systems, Inc., isang kumpanyang naghahatid ng kagamitan sa iba’t- ibang industriya gaya ng pharmaceuticals, automotive at appliances.

Ayon kay Pasamonte, ang kanilang susunod na hakbang ay gawing “advanced” ang mga kagamitan ng fakultad upang makatulong sa pag-aaral ng robotics.

“Pauna lang ito sa robotic integration… sa susunod na taon [magkaroon] na naman ng isang additional na equipment na robotic din. Parang ito muna ‘yung pinaka-basic educational package and then ‘yung mga advanced package naman,” dagdag ni Pasamonte.

READ
'All-inclusive' Mindanao accord urged

LEAVE A REPLY

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.