Journalism seniors, pamumunuan ang ‘V’ sa ika-90 taon nito

0
1607

PAMUMUNUAN ng tatlong journalism seniors ang Varsitarian, opisyal na pahayagang pangmag-aaral ng UST, sa ika-90 na taon nito.

Itinalagang punong patnugot si Amierielle Anne Bulan, dating patnugot ng Mulinyo, at si Alhex Adrea Peralta bilang katuwang na patnugot mula sa pagiging patnugot ng Balita. Ang dating tagapamahalang patnugot na si Bernadette Pamintuan naman ay mananatili sa posisiyon.

Ang journalism senior na si Maria Crisanta Paloma ang pinangalanang patnugot ng Balita kasama ang Graduate School freshman na si Hannah Rhocellhynnia Cruz bilang katuwang na patnugot.

Pinangunahan naman ng journalism seniors na sina Randell Angelo Ritumalta, Neil Jayson Servallos, Chelsey Mei Nadine Brazal, Jolau Ocampo at Audrie Julienne Bernas ang Palakasan, Natatanging Ulat, Tampok, Filipino at Mulinyo (arts and culture), ayon sa pagkakabanggit.

Tumatayong patnugot naman ng Pintig si Lea Mat Vicencio, political science senior.

Sa unang pagkakataon, magkakaroon ng dalawang patnugot ang Online na gagampanan ni journalism senior Theodore Jason Patrick Ortiz at ng journalism junior na si Christian de Lano Deiparine.

Patnugot ng Panitikan ang literature senior na si Nikko Miguel Garcia habang si Edris Dominic Pua, isang medical technology senior, ang patnugot ng Agham at Teknolohiya.

Pinangalanang coordinator ng Dibuho ang Fine Arts senior na si Shaina Mae Santander at coordinator naman ng Potograpiya si Deejae Dumlao, isang sociology junior.

Ang mga bagong manunulat ng Balita ay ang mga estudyante ng journalism na sina Ianna Gayle Agus, Samantha-Wee Lipana, Jacob Marvin Urmenita at Pauline Faye Tria. Gagampanan din ni Tria ang pagiging video editor.

Ang mga estudyante rin ng journalism na sina Jan Carlo Anolin, Mia Arra Camacho, Ma. Angela Christa Coloma at Ivan Ruiz Suing ang mga kabilang sa Palakasan.

Kasama naman sa Natatanging Ulat sina Ma. Consuelo Marquez, isang journalism senior at si Arianne Aine Suarez, isang journalism junior.

Kabilang naman sa Tampok ang journalism senior na si Daphne Yann Galvez at si Louise Claire Cruz, isang journalism junior.

Binubuo nina Elmer Coldora, isang journalism junior, at ni Karl Ben Arlegui, isang accountancy junior, ang Panitikan.

Ang Filipino ay binubuo ng mga estudyante ng journalism na sina Winona Sadia at Erma Edera kasama si Chris Gamoso, isang education junior.

Isang political science junior naman, si Lexanne Garcia, ang manunulat sa Pintig.

Binubuo ng communication arts junior na si Alyssa Carmina Gonzales at fifth-year na mag-aaral ng pharmacy na si Edson Tandoc IV ang Agham at Teknolohiya.

Para sa Mulinyo, kasapi ang journalism senior na si Kathleen Therese Palapar at business economics junior na si Klimier Nicole Adriano.

Kabilang naman sa Dibuho ang mga estudyante ng fine arts na sina Blessie Angelie Andres at Rocher Faye Dularte kasama si Joelle Alison Mae Eusebio, isang journalism senior, at Mariyella Alysa Abulad, isang legal management junior.

Kasama naman sa Potograpiya ang mga mag-aaral ng fine arts na sina Ann Margaret De Nys, Vince Christian Imperio, Maria Charisse Ann Refuerzo at Rhenwil James Santos, si Miah Terrenz Provido, isang medical technology senior, si Vladlynn Nona Maryse Tadeo, isang communication arts senior, at si Michael Angelo Reyes, isang architecture senior.

Editorial assistant naman ang library and information science junior na si Miguel del Rosario.

Nananatiling tagapayo ng pahayagan ang patnugot sa Arts and Books ng Philippine Daily Inquirer na si Joselito Zulueta, kasama pa rin ang lecturer at mamamahayag na si Felipe Salvosa II bilang katuwang na tagapayo.

Nagdaan ang mga bagong manunulat sa matinding proseso ng pagpili na binubuo ng dalawang pagsusulit, isang panayam sa komite ng pagpili, at iba’t ibang staff development activities upang mapabilang sa pahayagan.

Ang komite ay pinangunahan ni Eldric Paul Peredo, abogado at dalubguro sa Commerce na dating punong patnugot ng Varsitarian. Kasama ni Peredo ang Palanca awardee at dating katuwang na patnugot ng pahayagan na si Carlomar Daoana at si Christian Esguerra, mamamahayag ng ANC at dating punong patnugot ng Varsitarian.

Kasama rin sa komite ang direktor ng UST Center for Creative Writing and Literary Studies na si Cristina Pantoja-Hidalgo at direktor ng Research Center for Culture, Arts and Humanities na si Joyce Arriola.

LEAVE A REPLY

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.