Bagong mga patnugot ng ‘V,’ mula sa iba’t ibang disiplina

0
1818

SASAILALIM sa pamumuno ng mga mag-aaral mula sa iba’t ibang disiplina ang ika-90 taon ng Varsitarian, ang opisiyal na pahayagang pangmag-aaral ng Unibersidad.

Itinalagang punong patnugot si Christian de Lano Deiparine, isang journalism senior at dating patnugot ng Online.

Ang mga dating manunulat mula sa Mulinyo at Pintig na si Klimier Nicole Adriano, isang business economics senior at Lexanne Garcia, isang political science senior, ay itinalagang tagapamahalang patnugot at katuwang na patnugot, ayon sa pagkakabanggit.

Samantala, pinangalanan ang journalism seniors na sina Julia Claire Medina, Ma. Angelica Garcia, Arianne Aine Suarez, Louise Claire Cruz at Elmer Coldora bilang mga bagong patnugot ng Balita, Pampalakasan, Natatanging Ulat, Tampok at Panitikan, ayon sa pagkakabanggit.

Pangungunahan naman ng isang guitar major mula sa Conservatory of Music na si Lyon Ricardo III Lopez ang Mulinyo.

Tatayong hepe ng potograpiya naman si Michael Angelo Reyes mula sa College of Architecture.

Mananatiling manunulat ng Balita ang mga journalism seniors na sina Kevin Alabaso at Samantha-Wee Lipana kasama nila ang mga mag-aaral ng communication arts na sina Marem de Jemel at Sherwin Dane Zauro Haro.

Kabibilangan din ng journalism seniors na sina Ivan Ruiz Suing, Theresa Clare Tañas at Justin Robert Valencia ang Pampalakasan.

Sina Lady Cherbette Agot at Job Anthony Manahan, parehong journalism senior, ang mga bagong manunulat ng Natatanging Ulat.

Isang communication arts senior naman si Alyssa Carmina Gonzales, ang manunulat sa Tampok.

Sina Hailord Lavarias, isang communication arts senior, at si Karl Ben Arlegui, isang accountancy senior, ang mga manunulat ng Panitikan.

Ang Filipino ay binubuo ng estudiyante ng journalism na si Joselle Czarina de la Cruz, literature na si Francis Agapitus Braganza, at education na si Chris Gamoso.

Kabilang naman sa Pintig ang mag-aaral ng pilosopiya mula sa Ecclesiastical Faculties na si Eugene Dominic Aboy, O.P. kasama ang journalism senior na si Pearl Anne Gumapos.

Para sa Agham at Teknolohiya, kasapi ang mag-aaral ng biology na si Miguel Alejandro IV Herrera at isang journalism senior na si Beatriz Avegayle Timbang.

Isang journalism senior naman si Katrina Isabel Gonzales, ang manunulat para sa Mulinyo.

Kabilang naman sa Dibuho ang mga estudiyante ng advertising na sina Mari Kloie Ledesma, Jury Salaya at Rica Mae Soriente kasama si Nikko Arbilo mula sa Architecture, at Nathanael Jonas Rodrigo mula sa Faculty of Engineering.

Kasama naman sa potograpiya ang mga mag-aaral ng advertising na sina Genielyn Rosario Soriano at Mary Jazmin Tabuena kasama ang sociology senior na si Deejae Dumlao, information technology sophomore na si Enrico Miguel Silverio, economics senior na si Mark Darius Sulit at si Jose Miguel Sunglao, mag-aaral ng Architecture.

Editorial assistant naman ang library and information science junior na si Miguel del Rosario.

Nananatiling tagapayo ng pahayagan ang patnugot sa Arts and Books ng Philippine Daily Inquirer na si Joselito Zulueta, kasama pa rin ang coordinator ng journalism sa Unibersidad na si Felipe Salvosa II bilang katuwang na tagapayo.

Nagdaan ang mga bagong manunulat sa matinding proseso nang pagpili na binubuo ng dalawang pagsusulit, isang panayam sa komite ng pagpili, at iba’t ibang staff development activities upang mapabilang sa pahayagan.

Ang nasabing komite ay pinangunahan ni Eldric Paul Peredo, abogado at dalubguro sa Commerce na dating punong patnugot ng Varsitarian.

Kasama ni Peredo ang Palanca awardee at dating katuwang na patnugot ng pahayagan na si Carlomar Daoana at si Christian Esguerra, mamamahayag ng ANC at dati ring punong patnugot ng nasabing pahayagang pang mag-aaral.

Kasama rin sa komite ang direktor ng UST Center for Creative Writing and Literary Studies na si Cristina Pantoja-Hidalgo at direktor ng Research Center for Culture, Arts and Humanities na si Prop. Joyce Arriola.

LEAVE A REPLY

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.