Tomasinong doktor, hinirang na dekano sa Las Vegas

0
3518
(Kuha mula sa opisyal na website ng UNLV)

ISANG alumnus ng Unibersidad mula sa Fakultad ng Medisina at Pagtitistis ang itinalaga bilang pansamantalang dekano o interim dean ng University of Nevada Las Vegas School of Medicine (UNLVSOM), epektibo sa unang araw ng Setyembre.

Si Dr. John Fildes, na nagtapos ng medisina noong 1982 at nakatanggap ng parangal na meritissimus o highest merit mula sa Unibersidad, ang hahalili sa dating dekano ng UNLVSOM na si Barbara Atkinson.

Simula 1996, si Fildes ay nagsilbi bilang doktor sa Trauma Center at tagapangulo ng Department of Trauma and Burns sa University Medical Center sa Las Vegas.

Si Fildes ay isang propesor sa Department of Surgery sa UNLVSOM, kung saan siya rin ang tagapangulo.

Pinarangalan siya bilang Nevada’s Distinguished Physician noong 2016, Healthcare Hero noong 2012 at isa sa Best Doctors of Southern Nevada mula 2015 hanggang 2018.

LEAVE A REPLY

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.