BINALAAN ng Unibersidad ang publiko laban sa pekeng email account na nagpapakilala bilang ang Rektor, Fr. Richard Ang, O.P., upang manghingi ng tulong na pinansyal at donasyon.

Sa isang pahayag na inilabas nitong Sabado, nilinaw ng Unibersidad na hindi ito nangongolekta ng donasyon. Kinondena rin ng UST ang ilegal na aktibidad.

“It has come to our attention that an unscrupulous person, using a fraudulent e-mail account and identifying himself to be the Father Rector, has been soliciting financial/material support for a certain project or event,” saad sa pahayag.

“We strongly denounce this scheme and we would like to inform and warn the Thomasian community and the general public about this illegal activity,” dagdag ng Unibersidad.

Inabisuhan ng Unibersidad ang publiko na maging mapagmatyag at matalino sa paggamit ng teknolohiya.

LEAVE A REPLY

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.