NAHULI ng mga operatiba ng Philippine National Police (PNP) ang apat na miyembro ng isang sindikato ng kidnap-for-ransom na pinaghihinalaang may pakana sa pagdukot sa isang estudyante ng Unibersidad.

Iniharap ni Director General Leandro Mendoza, hepe ng PNP, ang mga suspek na sina Edcel Tomas, Manuel Piga, Geraldine Dulca, Rey Anselmo, at Renato Mosayla Meycador na family driver ng biktima sa isang press conference sa Camp Crame noong Agosto 6.

Dinukot nila si Mary Ruth Quilindrino, isang sophomore sa Faculty of Medicine and Surgery noong Hulyo sa Gilmore St., Lungsod Quezon.

Ngunit, agad naman siyang pinakawalan tatlong araw matapos siyang dukutin nang magbayad ng 3.5 milyon ang kanyang pamilya.

Ayon sa mga imbestigador, bunga ng isang inside job ang pagkakadukot kay Quilindrino.

Napag-alaman ng pulisya na anak ng nagpapatakbo ng kantina ng Perpetual Succor Hospital, na pagmamay-ari ng mga Quilindrino, ang sinasabing mastermind na si Piga.

Kasama ni Piga na nahuli si Meycador noong Agosto 2 sa mismong ospital samantalang nadakip naman ng PNP si Dulca sa Domingo Santiago St., Manila. Nahuli naman sa isang follow-up operation sa Dagupan si Anselmo noong Agosto 3.

Nakuha mula sa mga suspek ang nalalabing P 850,000 mula sa ransom at isang Lite Ace van na may plate number na PNR-152 na siyang ginamit ng mga kidnapper sa pagdukot kay Quilindrino. Billy Joe Allardo

READ
Sitio Malasa chapel rises

LEAVE A REPLY

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.