BILANG tugon sa pagkabigo ng Department of Languages at Social Sciences and Philosophy Department na tuparin ang tungkuling paunlarin ang mga hawak na disiplina, pinagsanib ang mga ito sa General Education Department (Gen Ed), isang departamentong nasa ilalim ng Office for Academic Affairs.

Napapaloob sa dating Department of Languages ang mga disiplinang Ingles, Filipino, Espanyol, at Panitikan. Sa dating Social Sciences and Philosophy Department, nabubuklod ang Sociology, Psychology, Economics, History, Philippine Constitution, at Rizal Course.

Pamamahalaan din ng Gen Ed ang Math, Science, at iba pang mga aralin alinsunod sa New General Education Curriculum ng Commission on Higher Education (Ched), na nagsasaad ng mga pangunahing aralin na dapat ituro sa mga mag-aaral sa kolehiyo ng isang pamantasan o unibersidad.

Kung susuriin, nagsisilbi lamang tagapag-ugnay ang Gen Ed ng mga programang lalahukan ng mga mag-aaral gaya ng talumpatian at debate, at tagapag-ugnay ng mga propesor at kolehiyong nangangailangan ng kanilang serbisyo. Subalit tila nalimutan na ang tungkuling iangat ang bawat disiplina.

Magkakaroon ang lahat ng mga nasabing disiplina ng kanya-kanyang mga komite na binubuo ng tatlo hanggang apat na miyembro, at isang chairperson. Sa susunod na semestre inaasahang magkakaroon na ng mga komite para sa iba pang general education subjects.

Pamumunuan ang kagawaran ni assistant to the vice-rector for general education Dr. Nancy Eleria, propesor ng Faculty of Engineering at dating dekana ng Letran Graduate School.

Ayon sa mga propesor, masyadong naging abala ang ibang mga dekano sa pagpapalawig ng mga professional at major subjects, na tila napabayaan ang pagpapayaman sa general education subjects na nagsisilbing pundasyon ng mga mag-aaral sa mas mataas na antas sa kolehiyo.

READ
Like father, like daughter

Dahil dito, ayon kay Eleria, tutuon ang Gen Ed sa pagpapaunlad at pagsasaayos ng mga disiplina sa pamamagitan ng faculty training at curriculum development.

Makikilahok ang mga kanya-kanyang komite sa mga programang tulad ng three-year development plan para sa dalawang programa ng Gen Ed.

Nakatuon ang faculty development sa pagpapadala ng mga guro sa training seminars at paghihikayat sa mga guro na agarang tapusin ang kanilang master’s degree.

“There were feedbacks in the past, that the deans were complaining that the faculty members in the general education were the ones pulling the college down in terms of accreditation,” sabi ni Eleria.

Ayon sa nakaraang Rector’s Report, 49 porsiyento na miyembro ng faculty ang may Master’s degree at walong porsiyento ang may doctorate degree. Bibigyang-solusyon ang mababang bahagdan ng mga guro ng general education subject na walang master’s degree sa pamamagitan ng acceleration program na pinaplano ng Gen Ed.

“Acceleration program may mean requesting the dean to reduce the teaching load of the professors so that they can focus on finishing their master’s degree,” sabi ni Eleria.

Aniya, oras ang karaniwang problema ng mga guro sa programang. Ngunit positibo naman si De Jesus, vice-rector for academic affairs, na makikiisa ang mga dekano sa mga proyekto ukol sa pagpapaunlad ng faculty.

Samantala, bibigyang pansin ang curriculum development sa pamamagitan ng pagkakaroon ng iisang syllabus at textbook sa bawat disiplina para sa buong Unibersidad. Manggagaling din ito sa pagsasama-sama ng lahat ng mga propesor sa bawat disiplina.

“The benefit that a student would get here is if you are in first year and you transfer to another college, you will not have a problem.” dagdag ni Eleria.

READ
Museum relaunches summer workshops

Kung isang standard na syllabus para sa buong Unibersidad, magiging pareho ang ituturo sa mga estudyante sa iba’t ibang mga kolehiyo at pakultad. Samakatuwid, ano man ang matututunan sa isang kolehiyo, ay siya ring matutunan sa ibang kolehiyo.

Pinangangambahan na makatatapak ang nasabing hakbang sa academic freedom ng mga guro. Naiintindihan naman nina Eleria at De Jesus na magkakaroon ng hindi pagsang-ayon sa panig ng mga guro na matagal nang sanay sa aklat at syllabus na ginagamit. Ngunit para kay Eleria, hindi raw ito magiging hadlang sa academic freedom ng mga propesor.

“A teacher has his own strategies. This is just the minimum. Of course they could add some more to the (standard) course syllabus,” sabi ni Eleria.

Hindi pa rin matukoy ni De Jesus kung magiging pangmatagalan o hindi ang Gen Ed. Nakikita niya ang kasalukuyang kondisyon bilang “transition period.”

Aniya, kung magiging matagumpay ito sa mga susunod na taon, maaaring magtatalaga na ng “service department” kada kolehiyo para sa bawat disiplina.

“This could be just a transition structure. Since we cannot create separate departments, probably years from now, this particular discipline can be attached to a college,” aniya. Jose Teodoro B. Mendoza at Marlene H. Elmenzo kasama si Lady Camille De Guia

LEAVE A REPLY

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.