Tuesday, May 21, 2024

Tag: Agosto 31, 2004

Growling Tigers, nanganganib

BUMULAGA ang tatlong sunud-sunod na pagkatalo sa UST Tigers sa pagpasok ng second round ng cage eliminations ng Universities Athletic Association of the Philippines (UAAP) Season 67.

Patuloy na numinipis ang pag-asa ng UST sa inaasam na mapabilang sa Final Four matapos bumagsak sa ikaanim na puwesto kakabit ang 4-6 kartada.

Sa kabila nito, nananatili namang positibo ang pananaw ni head coach Reonel “Nel” Parado sa posibilidad na makasama ang UST sa top four ng torneo.

UST Spikers, matagumpay sa unang round

TINAPOS ng UST Senior Volleyball squads na may kambal na tagumpay ang unang round ng Universities Athletic Association of the Philippines (UAAP) Volleyball tournament.

Lady Jins, namayagpag

NASUNGKIT ng UST Lady Jins ang kampeonato sa 27th National Taekwondo Championships sa pamumuno ng beteranong si Josephine Strachan, sa Ninoy Aquino Stadium noong Agosto 7 at 8.

Binuo nina Daleen Cordero ng College of Education, Sarah Arellano at Ester Marie Singson ng Institute of Physical Education and Athletics (IPEA), at ng magkapatid na Josephine at Jasmine Strachan, ang kampanya ng UST sa kagila-gilalas na 5-0 pagkapanalo laban sa Far Eastern University (FEU), University of the Philippines, at Taekwondo Blackbelt Sorority.

PBA coach: ‘Growling Tigers, may laban pa’

NASA alanganin man ang kapalaran ng UST Growling Tigers matapos ang unang round ng men’s basketball sa UAAP season 67, sinabi ng Tomasinong basketbolista at Philippine Basketball Association (PBA) Champion Coach Bethune “Siot” Tanquincen na dapat pa ring ipagmalaki ang kampanya ng koponan.

Ayon kay Tanquincen, head coach ng 2004 PBA Grand Matador Fiesta Conference Barangay Ginebra Kings, mahusay ang ipinakita ng Tigers sa katatapos na first round ng UAAP bagaman mga bagito halos ang manlalaro sa koponan.

Sa kanyang pagbulusok

Hindi alam ng karamihan ang pinagdaanan ni Christian Luanzon, isa sa pinakamahusay na manlalaro sa kasalukuyang torneo ng University Athletic Association of the Philippines (UAAP) Men’s basketball, bago marating ang pinakaaasam na tagumpay.

Nasa ikaapat na baitang si Luanzon nang magsimulang maglaro ng basketball. Nagpasiya siya at ng ilang mga kaibigan na sumubok para sa varsity team ng St. Stephen High School. Hindi man inaasahang matatanggap, napabilang siya sa lineup at naging simula ito ng kanyang pagseryoso sa laro.

UST Woodpushers, nangunguna pa rin

NAMAYAGPAG pa rin ang UST Woodpushers matapos ang apat na laro sa kasalukuyang UAAP Chess Tournament sa University of the East (UE) Briefing Room.

Nagpamalas ang mga Male Woodpushers ng magandang simula nang paigtingin nila ang kampanya sa torneo. Nagtala ang Tiger Woodpushers ng pinakamataas na iskor, 12.5, upang manguna sa cumulative standings sa unang round.

Male Woodpushers

Shuttlecockers, namayagpag

NAGHAKOT ng parangal ang UST Shuttlecockers bilang delegasyon ng Pilipinas sa Inter-Religious Peace Sports Festival noong Hulyo 21-27 sa Seoul, South Korea.

Nagkamit sila ng tig-iisang silver at bronze na mga medalya para sa men’s at women’s doubles.

Maluwalhating nakaabot sa finals ang mga national players ng UST Men’s Badminton team na sina Ricky Bartolome at Alfredo Mailon ngunit nabigo silang makamit ang gold na napunta kina Wang Chih-Chuan at Ting Kung-Ming ng Taiwan. Sa iskor na 6-15, 9-15, naiuwi nina Bartoleme at Mailon ang silver.

Tiger Cubs, wala pa ring talo

KASALUKUYANG bitbit ng UST Tiger Cubs ang nakamamanghang 9-0 win loss tally matapos nitong umpisahan ang kampanya sa pangalawang round at ipanalo ang tatlong sunud-sunod pang laban sa Universities Athletic Association of the Philippines junior basketball division.

Tiger Cubs, pinulbos ang Bullpups

Walang-awang ginisa ng Tiger Cubs ang National University Bullpups, 65-52, sa Cuneta Astrodome noong Agosto 21.

LATEST SPORTS

SOCIAL MEDIA

89,298FansLike
2,780FollowersFollow
74,941FollowersFollow
1,920SubscribersSubscribe