Friday, May 17, 2024

Tag: Agosto 6, 2005

Tiger Spikers umarangkada

MATAPOS mabigo sa unang araw ng torneo, bumawi ang ang UST Senior Volleyball teams matapos magtala ng kani-kanilang panalo sa UAAP Season 68 Volleyball tournament.

Pinatunayan ng Tiger Spikers, na may 3-1 na kartada, ang kanilang dominasyon sa net nang patumbahin nila ang Adamson University (AdU) Falcons, 25-22, 25-21, 25-15, noong Hulyo 31 sa University of the Philippines (UP) Human Kinetics Gym.

Nagtulungan sina Carlo Lubi, Jake Lagar, at Reny John Balse sa kabuuan ng laro upang makamit ang straight-set na tagumpay.

Growling Tigers, bagsak sa unang round

BAGAMAT natamo na ang mailap na tagumpay, malabo pa rin ang pag-asa ng Growling Tigers, na may 1-5 kartada, sa Final Four ng UAAP Season 68.

Matapos ang limang sunud-sunod na pagkatalo, nalusutan ng UST ang National University (NU) Bulldogs, 107-100, sa isang overtime noong Hulyo 31 sa Araneta Coliseum.

Ayon kay head coach Nel Parado, bata pa talaga ang koponan “kaya wala dapat masyadong asahan.” Ngunit masaya siya na nakamit na ang panalong kanilang hinihintay.

Tiger Judokas, bumawi

MATAPOS mapahiya nang makuha ng Ateneo de Manila University (AdMU) ang kampeonato ng Judo sa UAAP, pinatumba ng Tiger Judokas ang oposisyon sa ika-18 Polytechnic University of the Philippines (PUP) Invitational Open Belt Tournament noong Hulyo 10 sa PUP Gym.

Bagito man ang karamihan sa kanila, pinatunayan ng Judokas na kaya nilang magwagi laban sa mga beteranong koponan.

Tigersharks nagpasiklab

BAGO PA man sumabak sa darating na UAAP, nagkamit agad ng paunang parangal ang Tiger Sharks sa ikatlong taon ng PASIKLABAN 2005 noong Hulyo 16-17 sa Rizal Memorial Coliseum (RMC).

Academics vs. athletics

DALAWANG mundo ang ginagalawan at inaasahang pagtatagumpayan ng isang estudyanteng atleta: ang mundo ng kompetisyon sa kaniyang larangan at ang mundo sa loob ng silid-aralan.

Tahanan para sa higit 400 estudyanteng manlalaro ang Unibersidad. Inaasahan mula sa kanila ang parehong pagsisiskap sa silid-aralan at husay sa paglalaro upang makapagbigay karangalan sa Unibersidad.

Tiger Cubs, nangapa sa simula ng Season 68

BUMANGON ang UST Tiger Cubs sa balon ng kasawian matapos nitong bumawi sa apat na sunudsunod na pagkatalo sa pagdurog sa National University Bullpups, 82-61, nuong Hulyo 31 sa Araneta Coliseum. Bitbit ngayon ng Tiger Cubs ang isang 2-4 win-loss card.

Pinangunahan ni Tiger Cub guard Patrick Pulido ang atake ng UST sa huling kanto nang magpasiklab siya ng sunudsunod na ratsada at magkalat ng siyam na puntos. Hindi na nakapalag ang NU sa matinik na depensa ng Tiger Cubs nang magawa lamang nitong magpasingaw ng 14 puntos laban sa 21 ng UST.

Pag-aaral muna

PINILI ni Jervy Cruz, isang manlalaro ng UST Growling Tigers Team B, na ipagpaliban ang pagsali sa “Basketball Without Borders Asia” na ginanap noong Hulyo 14-17 sa Beijing, China upang ituon ang sarili sa pag-aaral.

“Pinili na lang niya na huwag sumama kasi apat na araw din siyang liliban kung sakali,” ani coach Nel Parado.

“Nanghinayang ako sa pagkakataon kasi para sa akin talaga iyon,” sabi ni Cruz.

Prinsipe ng taekwondo

HINDI na mabilang sa daliri ang taekwondo championship belts na napanalunan ng 2nd dan blackbelter at Tomasinong jin na si Giorgio Von Gerri De Guzman, ang pinakabata at kauna-unahang Asian Junior Champion sa bansa.

Kasalukuyang nasa unang taon sa kursong Nursing, hindi katulad ng ibang kabataang 17-anyos si De Guzman dahil bukod sa palagian siyang honor student, isa rin siyang kampeon sa pandaigdigang kompetisyon ng Taekwondo.

Ligaw na tupa

LATEST SPORTS

SOCIAL MEDIA

89,298FansLike
2,780FollowersFollow
74,941FollowersFollow
1,920SubscribersSubscribe