Tuesday, October 15, 2024

Tag: Vol. LXXXIV

AB Translation nabinbin; sisimulan sa 2016

SA PAGBUBUKAS ng English Language Studies at History noong nakaraang taon, nananatili pa ring nakabinbin ang Translation Program sa Faculty of Arts and Letters.

Ayon kay Michael Anthony Vasco, dekano ng Artlets, aabutin pa ng tatlo hanggang apat na taon bago magbukas ng panibagong programa ang fakultad.

“Bago magdagdag ng programa, bukod sa istraktura ng kurikulum nito, tinitingnan din ang kakayanan ng fakultad sa pagpapanatili naturang programa,” ani Vasco.

Binanggit din ni Vasco na nararapat munang magkaroon ng tala ang unang dalawang kurso at hayaan munang mapagtibay ang mga ito sa fakultad.

Haligi ng mga liham sa USTe

MAYROON pa ring ilang bagay sa Unibersidad na ‘di kayang tumbasan ng makabagong panahon.

Nananatiling aktibo at matatag ang post office sa Unibersidad sa kabila ng mas mabilis na pagpapalitan ng mensahe gamit ang makabagong teknolohiya tulad ng iba’t ibang social networking sites.

“Ang post office ay dating matatagpuan sa unang palapag ng Main Building, hanggang sa ito’y malipat sa kasalukuyan nitong lokasyon na dating kantina ng gusali,” ani Cecilia Enfantado, dating post master.

Ayon naman sa kasalukuyang post master na si Raul Mariano, ang post office ay kasalukuyang pinangangasiwaan ng Philippine Post Corp. (PhilPost) sa Manila Central Office.

LATEST