PINANGUNAHAN ni Rektor P. Tamerlane Lana, O.P. ang pagpapasinaya ng bagong opisina ng UST Medical Missions, Inc. (USTMMI) sa ikaapat na palapag ng St. Martin de Porres Building noong Agosto 17.

Sa pamamagitan ng isang grant for outreach program mula sa Unibersidad, naipatayo ang bagong opisina ng USTMMI.

Nakasaad sa isang palatandaan sa opisina ng USTMMI na “This is the permanent workroom of the Thomasian physicians, nurses, students, Dominican priests, and other professionals and non–professionals who shared without reservation, precious time, expertise, and love to the needy who are sick.”

Ayon kay Dr. William Olalia, bagong pangulo ng USTMMI, masaya siya sa pagpapatayo ng Unibersidad ng bagong opisina. Aniya, malaking tulong ito sa pagpapaunlad ng mga gawain ng kanilang organisasyon.

Noon, maliit lamang ang opisina ng USTMMI sa ikalawang palapag ng St. Martin de Porres Building. Ngayon, mayroon na itong conference room kung saan maaaring magpulong ang mga miyembro ng organisasyon.

Binubuo ang USTMMI ng mga mag–aaral mula sa Faculty of Medicine and Surgery at College of Nursing, mga doktor at nars na nakapagtapos sa UST.

Nagsasagawa ito ng medical, surgical at dental missions tuwing Sabado o Linggo sa iba’t ibang lugar sa bansa.

Sa kasalukuyan, nagbibigay ng libreng medical, surgical at dental services ang USTMMI sa 53 lugar. Simula nang maitatag ito noong 1961, nakapagsagawa na ito ng 235,054 na medical mission; 40, 975 na surgical mission; at 16, 589 na dental mission.

“If you look at other organizations, there’s no one like the USTMMI that has produced this kind of voluminous result,” wika ni Olalia.

READ
Dekano ng Archi, nagbitiw

Bukod dito, nagsasagawa rin ang USTMMI ng mga seminar at lecture para sa nursing at medical student volunteers ukol sa medical mission.

Binabalak din ni Olalia na gawing pormal na miyembro ng USTMMI ang Faculty of Pharmacy. Aniya, malaki ang maitutulong mga mag–aaral ng Pharmacy sa mga medical mission ng USTMMI.

“We are looking to that possibility. We know that they will be of great help to us and it will be a good training for Pharmacy students especially in dispensing medicines during medical missions,” dagdag pa ni Olalia. Girard R. Carbonell

LEAVE A REPLY

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.