MATATAGPUAN sa UST Museum of Arts and Sciences ang dalawang rebulto ni Santo Tomas de Aquino, ang patron ng Unibersidad, na gawa sa kahoy at ivory.

Sa paniniwalang Katoliko, ang bawat rebulto ng mga santo ay may kaniya-kaniyang iconography. Ito ang isinisimbulo ng isang santo sa Simbahang Katoliko.

Kapansin-pansin sa kaliwang kamay ng rebulto ni Santo Tomas ang isang maliit na simbahan na nakapatong sa isang aklat na sumisimbolo sa mga sinulat niya na naging pundasyon sa paniniwalang Katolisismo. Makikita naman sa suot niyang abito malapit sa kanyang dibdib ang araw na may mukha na kumakatawan sa Banal na Eukaristiya. Sa kanyang ulo naman ay matatagpuan ang halo na may nakadapong kalapati na sumasagisag sa Banal na Espiritu. Matatagpuan naman sa kanyang kanang kamay ang isang pluma na ipinapahiwatig ang kanyang mga isinulat tulad ng Summa Theologiae at Summa Contra Gentiles.

Noon po sa amin

Agosto 18, 1971 –Nagprotesta ang karamihan sa mga mag-aaral ng Medisina laban sa administrasyon ng Unibersidad.

Nagsimula ang nasabing protesta nang hindi na muling maluklok bilang dekano ng Medisina si Dr. Buenaventura Angtuaco. Bagkus si Dr. Gilberto Gamez ang siyang pinili ng adminis-

trasyon nang wala man lamang pagsangguni sa mga mag-aaral.

Naka-saad din sa petisyong inihain ng mga mag-aaral ang kanilang kahilingan na tuluyan nang alisin ang Council of Regents sa kagustuhang puro Pilipino na lamang ang mamahala sa pagpapatakbo ng Unibersidad.

Hiniling din ng mga mag-aaral ang pagkakaroon ng pagpupulong sa pagitan ng Academic Senate at Medicine Student Council upang pag-usapan kung sino ang dapat iluklok bilang dekano ng Medisina.

READ
Tuition hike limited to 2.5-5.3%

Umabot ng 15 araw ang protestang ito kung saan lumiban ang mga mag-aaral sa kanilang mga klase.

Sa pakikipag-usap ni Rektor P. Leonardo Legaspi., O.P. sa mga magulang ng mga mag-aaral, hiniling niya na himukin ang kanilang mga anak na bumalik na sa kanilang klase sapagkat kung hindi, mapipilitan ang administrasyon na paalisin sa Unibersidad ang sinumang mag-aaral na hihigit sa 20 porsiyentong palugit na pagliban.

Ayon sa rektor, hindi nais ng administrasyon na mayroong mga mag-aaral na mapaaalis at maisara ang Kolehiyo ng Medisina nang dahil sa gulong ito. Idinagdag pa niya na ginagawa nila ang lahat upang maayos ang kaguluhan sa tulong na rin ng Board of Medical Education.

Noong Set. 6, inihinto ng mga mag-aaral ang kanilang pagpo-protesta at muli silang nagbalik sa kanilang mga klase. Girard R. Carbonell at Hector Christian D. La Victoria

Tumangan sa iba’t ibang propesyonal at sibikong samahan. Naging pangulo siya ng Hospital Overload Philippines, ingat-yaman ng Lingard International, at direktor ng Philippine Society for Quality Control.

Naging pangulo rin siya ng Quezon City Jayceerettes, pinuno ng Ladies Auxiliary Brigade, at pangalawang pangulo ng UST Faculty of Pharmacy Alumni Association.

Noong 1981, pinarangalan siya ng UST Alumni Association bilang isa sa mga natatanging miyembro nito at napabilang rin siya sa Talaang Pandangal. Bukod dito, hinirang din si Tumangan bilang Outstanding Pharmacy Alumna ng UST at natamo rin niya ang Achievement Award mula sa QC Jayceerettes. Girard Carbonell kasama si Hector Christian La Victoria

Tomasalitaan:

Patno (Pangngalan) – karampatang parusa; ganti sa ginawang masama

READ
Demand for tuition refund continues

May nakalaang patno sa sinumang susuway sa alituntunin ng kanilang samahan.

Mga sanggunian:

UST Museum of Arts and Sciences

Thomasian Who’s Who 1982

The Varsitarian, Tomo 43, Blg. 10

Rev. Fr. Vicente Cajilig, O.P.

LEAVE A REPLY

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.