NALALAPIT na ang pagtatapos ng taong pampaaralan 2001-2002. Ngunit, patuloy pa rin ang mga Tomasino sa pagtitiis sa tila `di malutas-lutas na mga isyu at iba pang suliranin sa kani-kanilang fakultad at kolehiyo, at sa Unibersidad sa kabuuan.

Hindi na mawawala sa mga ito ang taun-taong pagtataas ng matrikula, ang walang kamatayang isyung sinasakyan ng iba’t ibang sektor sa Unibersidad. Isama pa ang muling paglitaw ng mga beteranong Tomasinong pulitiko at ang mga baguhan na naghahangad ng puwesto sa lokal at sentral na konsehong pang-mag-aaral sa pamamagitan ng nakagisnang bigong kasaysayan ng mga halalan sa UST.

Habang nagkukumahog sa pagganap sa mga pang-akademikong gawain at iba pang tungkulin, tila ipinagkakait pa sa mga Tomasino ang nalalabing ginhawang inaasahan nila sa pamamalagi nila sa Unibersidad. Nagdurusa pa rin ang ilan sa masisikip at maiinit na silid-aralan at laboratoryo, at walang tubig at napapabayaang mga comfort room.

Sa isyung ito, nilikom ng Varsitarian ang iba’t ibang pananaw at reklamo ng mga Tomasino hinggil sa mga suliranin sa Unibersidad sa pagtatapos ng taong pampaaralang 2001-2002.

Leoby Marquez, 1st year, Advertising, College of Fine Arts and Design: “(Sana magkaroon ng) better facilities at classrooms. Wala kaming darkrooms at hindi sapat `yung space ng classrooms namin lalo na pag mayroon kaming drawing class. Kailangan (pa) naming ilatag `yung drawings namin sa floor.

Sana (rin) ‘yung council gumawa ng programa para sa mga reklamo ng mga Fine Arts and Design students tungkol sa mga propesor nila nang hindi maapektuhan ang mga estudyante. Natatakot ang mga estudyante kung walang susuporta sa kanila.”

Aileen Garbin, 3rd year, AB Journalism, Faculty of Arts and Letters: “Sa Central Student Council (CSC), sana mas maging visible sila. Hindi partikular sa lahat ng estudyante na may CSC. (Nalalaman) na lang nila (kapag) may mga kandidato na, may nangangampanya na. Hindi namin alam `yung mga projects nila.

READ
Filipino Dominicans consolidate hold over Pontifical University

Sa AB Student Council (ABSC), lagi nilang ipinapangako ang pagkakaroon ng malilinis na comfort rooms. (Hanggang ngayon) madumi pa rin (comfort rooms). Lagi pang walang tubig. Ang drinking fountain, laging walang tubig, hindi pa namin alam kung safe ito.”

Marie Antonette Roque, 3rd year, College of Education: “`Yung mga classrooms namin kulang sa air condition units, iilan lang ang mayroon. Kadalasan pa, hindi umaandar ng maayos ang mga electric fan sa classrooms. Dahil sa naiinitan kami at kung minsan maingay sa labas ng mga classrooms, naaapektuhan `yung concentration namin sa klase.”

Dionel Sigua, 4th year, Biology, College of Science: “Sa Student Research Laboratory, kulang ang mga facilities. Hindi kayang i-accommodate lahat ng mga researchers lalo na ang mga gumagawa ng thesis nila.”

Masha Mariano, 2nd year, AB General, Faculty of Arts and Letters: “Hindi united ang student council kasi mayroon silang mga internal problems na nakaaapekto sa mga activities nila. `Yung mga taong gustong sumali sa mga activities (nila), kung minsan tuloy hindi nakasasali kasi hindi sila masyadong napagtutuunan ng pansin. Kaya pati ang mga estudyante na dapat nilang pagsilbihan, naaapektuhan.”

Anthony Mcgee, 4th year, Electronics and Communications Engineering, Faculty of Engineering: “Parang (mas) may emphasis (pa) sa mga minor subjects na hindi naman related sa course namin (Engineering) tulad ng Sociology. Mayroong mga minor subjects na kinukuha pati sa fourth year na imbes na makapag-concentrate ka sa major subjects mo, agaw atensyon pa siya.”ss

Omar Gabrieles, 4th year, AB Journalism, Faculty of Arts and Letters: “They failed to make the students participate in their activities. Parang `yung goals ng mga student council, sila-sila lang ang nakakaalam. Since sa simula, sila lang `yung gumagawa. Students actually do not know anything about their activities. Nakikita lang natin sila kapag eleksyon, after noon, wala na sila.

READ
Thomasian is new Papal envoy to Tanzania

Ang problema (naman) sa ABSC, they keep on looking for the administration’s flaws. Sa kahahanap nila ng flaws, sila on their part, hindi na nila halos nagagawa ‘yung role nila as Artlets’ (AB students) representatives. They should do (concrete actions). Hikayatin ang mga estudyante na alagaan ang assets ng AB instead of (nagging) the administration (about petty issues).”

Jamayla Pauline Gan, 3rd year Biology, College of Science: “Mayroong mga professors na masyadong mataas ang expectations nila sa mga estudyante. (But) they (actually) don’t teach that well (tapos) hirap silang magbigay ng mataas na grade lalo na sa mga major subjects like comparative analysis na halos kalahati ng batch laging bumabagsak. `Yung ibang classrooms (naman) sa Main Building, wala pang air condition units.”

Harriette Camps, 1st year Sociology, Faculty of Arts and Letters: “Kadalasan walang tubig at madumi ang comfort rooms namin sa building. Kung anu-ano pa ang nakasulat sa mga pintuan ng cubicles na nakakadagdag lang lalo ng dumi sa comfort rooms.”

Patricia Alejandrino, 2nd year, Physical Therapy, College of Rehabilitation Sciences: “Hindi umaabot sa amin ang CSC. Wala akong naririnig tungkol sa kanila (saka) hindi ako involved sa mga activities outside sa college (namin).

‘Yung dating CSC, nag-establish sila ng rapport sa mga estudyante, lalo na sa mga freshmen. Ngayon, hindi namin kilala kung sino ‘yung members ng CSC, hindi namin sila masyadong nakikita or nakakausap.”

Emmanuelle Rose Liclican, 3rd year, Architecture, College of Architecture: “Ever since napalitan `yung dean namin, hindi na naging maganda `yung system. Noong first semester, ginawang departmentalized `yung examinations namin. Hindi talaga pwedeng mag-work (ang departmentalized tests) dahil plates talaga `yung ginagawa namin. Hindi pwedeng gawin `yun during examinations (period).”

READ
A Feast of True Filipino music

‘Yung student council din namin hindi effective sa mga programa nila (saka) ‘yung lockers namin, sobrang mahal, P250 each (ang rental fee nila).”

Nolyn Joseph de Pedro, 2nd year, Physical Therapy, College of Rehabilitation Sciences: “Our student council (last school year) was really hard-working. Isasali ka talaga nila sa activities nila. Now, the freshmen do not really know them (present college student council) unless na may kailangang bayaran, (then) nagiging visible sila. Also, I have not heard any activities of the CSC, especially sa amin, maliit lang kami na college.”

Robert Mercene, 3rd year, AB Journalism, Faculty of Arts and Letters: “Sa CSC, sana mas mag-reach out sila sa mga students, hindi lang during election period. We only see them during the elections, but before and after that, hindi naman namin sila nakikita.

Sa AB, problema pa rin ang comfort rooms. Sa labas pa lang, maaamoy mo na, mabaho na. What more pagpasok mo sa loob.” Frances Margaret H. Arreza at Ma. Lynda C. Corpuz

LEAVE A REPLY

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.