NADAGDAGAN na naman ang karangalan ng Conservatory of Music (Music) nang manalo ang dekano nito ng “Best Instrumentalist” sa ika-17 na ALIW Awards noong Agosto 6 sa Philippine Plaza Hotel.

Napili ang premyadong classical pianist Dekano Raul Sunico sa tatlo pang nominadong tanyag na mga musikerong sina Jong Cuenco (flutist), John Lesaca (violinist), at isa pang Tomasinong si Mario Tolentino (saxophonist), kasalukuyang propesor ng Saxophone sa Music.

“The award is just another feather in the cap to the many awards that (the College’s) Faculty and students constantly get,” ayon kay Sunico. “It may (encourage more applicants), but we don’t advertise the College (that way).”

Nagkaroon na ang dekano ng ilang konsiyerto sa loob at labas ng bansa at nabigyan ng Presidential Award for Outstanding Filipinos noong 1986 at Philippines’ Ten Outstanding Young Men noong 1996.

Marami na ring propesor mula sa Kolehiyo ang nagawaran ng naturang gantimpala tulad nina Tolentino bilang Best Male Performer, at si Rochelle Gerodias, propesor ng Voice bilang Best Female Performer na kapwa nagwagi noong 2003.

Taunang nagbibigay-karangalan ang ALIW Awards sa mga nagpakita ng natatanging husay sa larangan ng musika.

READ
Bigkis ng kabataan

LEAVE A REPLY

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.