“LET US not merely walk, not merely run, but soar.”

Ito ang mga salitang iniwan ni Rektor P. Tamerlane Lana, O.P., upang idiin ang tungkulin ng Unibersidad sa pagbuo ng Thomasian ideals sa kanyang taunang ulat noong Agosto 7 sa Medicine Auditorium.

“The University has an urgent call to take its task of seriously forming the young people with Gospel values so that they (can uplift) our country that is impoverished by corruption, ignorance, and moral degeneration,” ani P. Lana.

Ayon sa kanya, maaabot lang ang hangaring iyon kung hindi magiging pabaya ang Unibersidad. Inilahad din niya ang katayuan ng UST tungo sa ika-400 taong anibersaryo nito sa 2011.

“Upgrading the quality of instruction to global standards and of becoming a center of excellence in various degree programs remains a major challenge for the University as its 400th foundation anniversary draws closer,” wika ng Rektor.

Aniya, nagkaroon din ng mas magandang classroom management nang tumaas umano sa 57 porsiyento mula sa 49 porsiyento ang mga guro na may postgraduate degrees (49 porsiyento nito ang may master’s degree samantalang walong porsiyento ang may doctorate). Patuloy rin umanong bumababa ang ratio ng estudyante sa propesor sa 21 na mag-aaral bawat isang guro.

Ngunit malayo pa ang Unibersidad sa hangarin nitong magkaroon ng mas magandang kalidad ng instruksyon, wika ni P. Lana.

Sa 134 na programa ng Unibersidad, 55 pa lamang dito ang may accreditation at walo ang Centers of Excellence (COE) habang pito naman dito ang Centers of Development (COD).

Binanggit din ng Rektor na may balak ang Commission on Higher Education (CHED) na alisin ang mga COE at COD.

READ
Thomasians win in essay tilt

“They [CHED] are just modifying the program,” nilinaw naman ni Dr. Armando de Jesus, vice-rector for academic affairs, sa isang panayam. “There will still be COEs, CODs, and other priority areas.” (Tingnan ang kaugnay na balita sa pahina 13).

Sinabi rin ni P. Lana na kailangang palakasin ang kasalukuyang funding resources ng Unibersidad dahil sa nakalap nitong utang mula noong nakaraang taon na halos kalahati ng P2.294 bilyon na kabuuang yaman ng Unibersidad sa ngayon, na binubuo ng mga cash equivalent, receivable, at fixed asset.

Sa kabilang dako, binigyang pansin din niya ang halaga ng pakikipag-ugnayan ng UST sa mga lokal at mga internasyunal na Unibersidad at organisasyon.

Ayon sa kanya, nananatiling matibay ang suportang natatanggap ng Unibersidad mula sa Catholic Bishops Conference of the Philippines, California State University, University of South Australia, Hanyang University sa South Korea, at iba pa.

Pinarangalan din ng Rektor ang walong sentro ng pananaliksik habang nililinaw ang halaga ng pananaliksik sa mga hangarin ng UST tungo sa quadricentennial nito sa 2011.

Ayon sa kanya, bumaba ang mga nailathalang research ng Unibersidad sa lokal na pahayagan mula 57 noong nakaraang taon sa 45 ngayong taon. Ngunit bumawi naman ito nang nakapagpalathala ng 18 na pananaliksik ang UST sa mga internasyunal na pahayagan.

Patuloy rin ang mga expansion program ng UST sa General Santos City, Sta. Rosa, Laguna, at sa Sri Lanka, bilang bahagi ng evangelization thrust ng Unibersidad, sabi ni P. Lana.

Aniya, bilang isang sentro ng evangelization sa Asya, tuloy rin ang contextualization at “inculturation” ng kurikulum at mga teaching materials ng Theology upang umayon sa kultura hindi lang ng mga Filipino, kundi ng iba pang mga Asyano.

READ
V. Concepcion now E.coli-free

Tinalakay rin ni P. Lana ang kalagayan ng mga imprastraktura at pasilidad ng Unibersidad.

Lalong mapabibilis ng komputerisasyon ang mga transaksyon ng Unibersidad gamit ang Thomasian On-line Management and E-Learning System (THOMEL) na inilunsad ng dating UST Computer Center (USTCC) noong nakaraang taon. Santo Tomas e-Service Providers na ang tawag sa USTCC ngayon.

Kabilang sa THOMEL ang Library On-Line Readers Network Zone at ang e-Learning Access Program, na nagbibigay ngayon ng dalawang on-line course at 38 na kursong web-enhanced, dagdag pa niya.

Sinabi niya na 28 porsiyento ng mga silid sa UST ang mayroon nang multimedia equipment habang 90 porsiyento ang may air-conditioning units. Inayos rin ang ilang mga pasilidad tulad ng kasalukuyang pagpapalaki ng parking area malapit sa UST Hospital.

Iniulat din ng Rektor ang mga nagawa ng Unibersidad sa pag-angat ng kabuhayan sa mga partner communities nito.

Sinabi ni P. Lana na tumutulong ang UST sa mga Aeta para bawiin ang lupa nila sa programang Ancestral Domain Management Plan at pagpapalaganap ng yamang dagat sa Maragondon, Cavite sa programang Coastal Resource Management Program. Reagan D. Tan

LEAVE A REPLY

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.