MAGKAROON ng magandang produkto ng kosmetiko—ito ang pinaghirapang kamtan ng Tomasinong si Peñafrancia Prieto-Espiritu at naging daan upang magkaroon ng dekalibreng gamit na “gawang Filipino. “

Bilang pagkilala sa angking kagandhan ng Filipino, binuo ni Espiritu ang Philippine Societies of Cosmetic Scientists, nagkaroon ng sigla ang kosmetikong Pinoy. Nakatulong ito sa pagpasok ng mga dolyar sa Pilipinas at pagkilala sa mga medium-scale cosmetic industry.

Tubong Naga, nagtapos ng magna cum laude si Espiritu ng kursong Pharmacy sa UST noong 1960, at nanguna sa pharmacy board examinations. Kumuha rin siya ng master’s degree sa Columbia University at nakapagturo rito matapos ang limang taon. Nagturo rin siya sa Ateneo de Manila University.

Naglingkod din siya bilang pharmaceutical chemist sa ibang bansa tulad ng USV Pharmaceutical Corporation sa New York. Nagturo rin siya sa UST noong 1968 at nagtagal ng anim na taon. Kinilala rin siya sa pag-aaral na “Selection of an Optimal Surface for the Preparation of Uniform Detached Films of Adhesive Materials”, kung saan nakilala siya bilang tunay na dalubhasa sa larangan ng parmasya.

Dahil sa dedikasyon at pagpapaunlad sa piniling kurso at propesyon, ginawaran siya ng UST Alumni Association ng Primo Hizon Award for Pharmacy noong 1982. Kasama rin dito ang pagpaparangal sa kanyang layuning maitaas ang antas ng produktong kosmetiko sa bansa.

Maliban sa pagiging Outstanding Thomasian, nagkamit din siya ng “Most Outstanding Bicol Student, Scholar, and Alumna of UST” ng UST Bicol Varsitarians, noong 1961.

Sa paglipas ng panahon, magsisilbing tagapag-ugnay si Espiritu sa pag-angat ng kalidad ng produktong kosmetiko at parmasya sa Pilipinas at mababakas ang pagkakaroon ng tatak ng pagiging Tomasino sa mga produktong angat sa buong mundo.

READ
Thomasian debaters shine

Tomasalitaan: bitas (pang-uri) – pag-ibig na paimbabaw o mapagbalatkayo

Halimbawa: Hindi ko kailangan at sawang-sawa na ako sa bitas na pagmamahal mo.

Sanggunian: Thomasian Who’s Who 1982, UST Publishing House

LEAVE A REPLY

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.