IKINAGALAK ng mga Tomasinong mamamahayag nang muli silang naimbitahan ni Rektor P. Tamerlane Lana, O.P. upang magsama-sama muli sa ikalawang pagtitipon ng Thomasian Media Circle (TMC) noong Hulyo 20.

Ipinakita ng mga mamamahayag na alumni ang kanilang suporta sa ikalawang pagtitipon ng TMC mula nong 2002.

“Kung minsan nakawiwiling bumalik-balik kasi tunay nga na nakakabata ang ganitong mga sandali,” ani Arnold Clavio, kilalang brodkaster sa radio at telebisyon. “Sana mas maging madalas pa ang mga ganitong pagtitipon.”

Sabi ni Lana, malaki ang gampanin ng mga Tomasinong kasapi sa media upang maipalaganap sa publiko ang nalalapit na selebrasyon ng ikaapat na sentenaryo ng Unibersidad kaya’t hinikayat sila ni Lana na tumulong sa paghahanda nito.

“Naipapakita ninyo ang idelohiya ng isang Tomasinong patuloy na nagtataguyod sa katotohanan, dahil dito nakatutulong kayong maipakita sa publiko ang nararapat na imahe ng Unibersidad,” ani Lana.

Iminumungkahi naman ni Alice Colet-Villadolid, tagapamahalang patnugot ng Forum Magazine at dating punong patnugot ng Varsitarian na tumulong ang mga publi-kasyon dito sa Unibersidad gaya ng Varsitarian upang ikalap ang misyon ng UST.

Ilan pa sa mga tanyag na media personalities na dumalo sa ikalwang TMC sina Eugenia Duran-Apostol, tagapagtaguyod ng Philippine Daily Inquirer at ang tanyag na director na si Gil Portes.

“Makatutulong ang TMC upang mabigyang-diin ang journalism ethics sa mga estudyante at mapag-ibayo ang tungkulin ng media sa paghahatid ng matapat na pagbabalita,” ani Apostol.

READ
Former press official calls for 'professionalization' of press

LEAVE A REPLY

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.