1550 – Isinilang sa Carrion de los Condes, Palencia, España.

1565 – Pumasok sa St. Paul’s Monastery sa Valladolid, isa sa mga kilalang monasteryo ng mga Dominikano sa España.

1570 – Nag-aral sa College of St. Gregory, Palencia. Pagkatapos, bumalik sa St. Paul’s para kunin ang kursong Arts. Kinalaunan, naging Master of Scholars siya sa College of St. Thomas sa Avila. Nagsimula ring magturo ng teolohiya sa San Pedro de las Dueñas, Santa Cruz de Carboneras, at sa St. Paul’s.

1586 – Nagpalista bilang isa sa mga paring nais pumunta sa Pilipinas para itayo ang Province of Our Lady of the Holy Rosary.

Hulyo 17, 1586 – Sumakay ng barko kasama ng mga nahikayat, sa pantalan ng St. Mary’s Cadiz sa Espanya patungong Veracruz, Mexico. Mula doon, tumungo sila ng Acapulco kung saan sumakay sila sa galeong naghatid sa kanila sa Pilipinas.

Hulyo 21, 1587 – Dumating ang mga misyonaryo kasama si Benavides sa Cavite at pumunta ng Maynila makalipas ang apat na araw.

Hunyo 12, 1588 – Pormal na iginawad kay Benavides ang mga titulong Preacher General at Lector of St. Dominic’s Monastery sa Maynila.

1591 – Itinalagang Procurator-General ng Our Lady of the Holy Rosary sa Pilipinas . Tumungo rin sa España kasama ni Obispo Domingo de Salazar, O.P. at ipinaglaban ang mapayapang pagpapalaganap ng Katolisismo at ang muling pagbubukas ng Real Audencia o mataas sa hukuman, sa Maynila. Dinulog din kay Haring Felipe II ang karapatan ng mga katutubo na pumili kung nais nilang mapasailalim sa

1593 – Inilimbag ang pinakaunang libro sa Pilipinas, ang Doctrina Christiana en Lengua y Letra China, na isinalin niya sa wika ng mga Sangleyes, dating bansag sa mga Tsino.

READ
Prescriptions for advancement

Agosto 30, 1595 – Binasbasang Obispo ng Nueva Segovia, Pilipinas.

1598 – Bumalik sa Pilipinas mula España at Mexico kasama ng ikatlong grupo ng mga misyonaryo ng naipadala niya sa bansa.

Agosto 21, 1599 – Pinamunuuan ang pinakaunang referendum sa Pilipinas na naganap sa Magaldan, Pangasinan kung saan pinili ng mga katutubo ang manatili sa proteksyon ng hari ng España.

Oktubre 7, 1602 – Hinirang na ikalawang Arsobispo ng Maynila. Binasbasan noong 1603.

Hulyo 26, 1605 – Pagpanaw. Iniwan ang lahat ng ari-arian na nagkakahalaga ng P1, 500 para sa pagtatatag ng isang seminaryo. Ang kanyang personal na aklatan ang pinagmulan ng kasalukuyang UST Central Library.

Abril 28, 1611 – Isinakatuparan ni Padre Bernardo de Santa Catalina, O.P. ang huling habilin ni Benavides at itinatag ang Our Lady of the Holy Rosary Seminary-College na siyang pinagmulan ng Unibersidad ng Santo Tomas. Jose Teodoro B. Mendoza

LEAVE A REPLY

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.