TULAD ng romantikong konsepto ni Kupido tuwing araw ng mga puso, natatangi rin ang mga parol tuwing Pasko.

Tradisyon sa kulturang Filipino ang pagsabit ng mga parol sa kanilang mga tahanan. Ilang buwan pa lang bago ang araw ng kapanganakan ni Kristo, nagsisimula nang mamulaklak ng mga palamuti at samu’t saring parol ang bahay, gusali, at kalsada.

Mapapansin rin ang hilig ng mga Filipino sa mga pagdiriwang. Bisperas pa lang, sangkatutak na handaan ang makikita sa mesa. Kadalasan, mas gugustuhin ng mga Filipino ang makipagsiksikan at makipag-unahan sa mahahabang pila sa palengke, para lamang makapaghanda ayon sa nakagisnang kultura. Lumalabas din naman ang kaugaliang Filipino kung saan nangungutang ang pamilya nang higit pa sa kailangan, makapaghanda lamang ng isang magarbong salu-salo.

Sa kabilang banda, nakatatawa rin na kahit tapos na ang Pasko, nananatiling nakasabit pa rin ang mga parol. Kung gaano kabilis ang pagkabit sa mga ito, ganoon katagal ang pagligpit. Ibinabalik na lamang ang mga ito sa pinaglagakang karton matapos ang ilang araw ng bagong taon o pagkatapos ng kakaunti na lang ang tunay na nakaiintindi sa kahalagahan nito bilang pagbibigay-pugay sa kaarawan ng Hari, nariyan pa rin ang mga batang sabik sa pagtugtog at pagsabay sa kantahan. Ang nakalulungkot lang, ginagawa ito minsan bilang pagkakitaan at kadalasa’y nakaaabuso kaya nawawala ang saysay nito bilang “pagtulong nang bukal sa kalooban.”

Higit pa sa mga palamuti at kasiyahan ang dala ng okasyong ito. Kasabay ng mga pakindat-kindat na ilaw ng Christmas lights, ipinapakita nito ang kalagayan ng Filipino. Sinisimbulo ng mga ilaw ang makulay subalit walang kasiguraduhang pamumuhay sa bansa. Mapapansing sa kawalan ng isang bumbilya, maaaring tuluyan nang mapundi ang mga kasunod nito.

READ
Soho: Journ far from being a glam job

Sa kabilang banda, ipinahihiwatig ng Pasko ang pagmamahal ng Diyos sa atin. Bilang nag-iisang Kristiyanong bansa sa Asya, marahil ang Pasko sa Pilipinas ang pinakamasaya. Hindi lang nag-uumapaw na pagkain at regalo ang naririto, kundi maging pagkakaisa at pagbibigayan—mga dakilang aral mula kay Hesukristo, na sa kabila ng kahirapan ng buhay, paulit-ulit siyang dumarating upang magbigay ng kasiyahan kahit sa kaunting sandali, makalimutan ang mga pasakit at pighati na nagpapabagal dala ng pagod at hirap..

Gayundin, isa itong pag-alala sa mga minamahal at nagmamahal sa atin tulad ng Diyos.

Isang pagpapaalala rin ito sa atin na masaya ang buhay tulad ng mga makukulay na parol—na kahit mayaman o mahirap, makahahanap ng paraan upang maisabit ito sa tapat ng mga bahay at maipakita sa lahat ng tao ang pagmamahalang nananahan sa kani-kanilang mga tahanan.

Sa panahong ito na nagkakasama-sama ang pamilya, isang pagdiriwang ng kapanganakan ni Kristo ang Pasko na siyang nagsisilbing modelo ng pagmamahalan at pagkakaisa ng pamilyang Filipino. Sa bawat pagsulyap sa parol, maging pag-alala sana ito ng pagdiriwang ng pagiging tao ng Diyos upang sagipin sa kasalanan ang sangkatauhan, siyang minsang namuhay kasama ng tao at mananatili sanang isa-puso natin ito nang makamit natin ang tunay na kahulugan ng kapaskuhan.

LEAVE A REPLY

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.