PARA sa isang karaniwang Katoliko, isa lamang larawan ng kapangyarihan ng Simbahan ang mga doktrina ng Second Plenary Council of the Philippines (PCP II).

Ito ang isa sa mga aspeto ng doctorate dissertation ni Dr. Noel Asiones na pinamagatang, “The Reception of the Second Plenary Council of the Philippines (PCP II): An Assessment.”

Ipinaliwanag ni Asiones sa “Saliksikan,” isang talakayan ng mga propersor ng Institute of Religion noong Hulyo 15, ang malumanay na pagtanggap ng mg Pilipino sa mga aral ng PCP II gamit ang dalawang modelo ng Simbahan: ang hierarchical model at ang communal model.

Sa hierarchical model, ani Asiones, sumusunod ang mga Katoliko dala ng takot sa awtoridad ng Simbahan. Sa ganitong paraan, hindi nagiging epektibo ang pagtanggap ng mga tao sa mga doktrina nito. Ngunit sa communal model, nagiging responsibilidad ng mga tao sa kanilang komunidad ang pagtanggap sa mga turo at utos ng Simbahan.

“In reception, it is not the power that can impose, but only the truth,” sabi ni Asiones. “So the Church should be communal because no one has the monopoly of the truth.”

Ginanap noong 1991 ang PCP II, na isang buwang pagpupulong ng mga obispo, pari, at iba pang relihiyosong samahan ng Simbahang Katolika, upang isulong ang “renewed evangelization” ng Simbahan.

Samantala, ayon sa master’s degree thesis ni Propesor Richard Pazcogin na pinamagatang, “An Evaluative Study on Theology 1 Course in UST on the Basis of the PCP II Directives on Renewed Catechesis,” kailangang pag-ibayuhin ang pagtuturo ng Salvation History sa pamamagitan ng “renewed catechesis.”

READ
Chem Eng'g Society holds quiz bee

Iminungkahi ni PazScogin na gawing sentro ng Salvation History curriculum ang pag-aaral ng buhay ni Kristo at bigyang kahulugan ito sa pang-araw-araw na buhay sa halip na talakayin ang mga maraming paksa na nakapaloob dito.

Ayon kay IR faculty secretary Propesor Catalina Lithuanias, isinagawa ang Saliksikan sa unang pagkakataon upang bigyang tuon ang professional growth ng mga propesor.

“This is an opportunity for the professors to share new insights to the faculty and inspire others who are still taking up their post-graduate degrees,” ani Lithuanias. Marlene H. Elmenzo

LEAVE A REPLY

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.