TUMANGGI sa pag-angkin ng mga papuri si Obispo Oscar Azarcon Solis, ang unang Filipinong obispo sa Amerika, sa isang Misa noong Agosto 19 sa UST Central Seminary Chapel upang ipagdiwang ang kanyang ika-25 taon bilang pari.
“These were not achievements. These are just living testimonies of God’s grace residing in me (and) that everything in my life as a priest is a gift and a testimony of God’s goodness and faithfulness,” ayon kay Obispo Solis na kasalukuyang auxiliary bishop ng archdiocese sa Los Angeles.
“I can only be sure of one thing, and that is I am a pastor by heart,” sabi ni Obispo Solis. “I don’t have the academic excellence of my classmates who were able to achieve ecclesiastical degrees.”
Pabiro namang isinalaysay ng obispong nagtapos ng Bachelor of Sacred Theology, cum laude, sa Central Seminary noong 1978, ang kanyang mga unang taon sa Unibersidad.
Ayon sa kanya, puro basketball at pagbubulakbol ang kanyang inatupag kaya’t mabababa ang mga markang natamo niya sa unang semester niya sa UST.
“After my first semester, I was called by the Ecclesiastical Faculties Dean Fr. Pedro Luis Gonzales, and he said: ‘Oscar, I would like to remind you why you are here in the seminary. I noticed that you are studying basketball and playing Theology’,” dagdag pa niya, sa gitna ng mga tawanan galing sa kapwa niya paring dumalo sa Misa.
Kabilang sa mga nakiisa sa Misa sina Rektor P. Tamerlane Lana, O.P. na kanyang batchmate sa Ecclesiastical Faculties, Obispo Precioso Cantillas, D.D. ng Maasin, Leyte, at Obispo Jose Corazon Tala-oc, D.D. ng Romblon, kapwa silver jubilarians ni Obispo Solis.
Inordiinahan bilang pari si Obispo Solis noong Abril 28, 1979, sa San Jose, Nueva Ecija, at bilang obispo noong Pebrero 10 ngayong taon sa Cathedral of Our Lady of the Angels sa Los Angeles.
Kabilang si Obispo Solis sa mga paring Asyano na naging pastor sa Los Angeles, upang pagbuklurin ang iba’t ibang kultura sa kanilang archdiocese.
Sa maikling panahon na kanyang inilagi, binisita rin ni Obispo Solis ang Nueva Ecija, kung saan siya ipinanganak, at sa Manila Cathedral, upang magmisa. Lady Camille L. de Guia at R. A. R. Pascua