Sa wakas.
Ito na marahil ang mga salitang maisisigaw ko sa oras na ito. Batid kong iilang pahina na lamang ang nalalabi para sa akin, subalit pipilitin kong isiksik sa munting espasyong ito ang mga taong minsang nadaanan ko sa paglalakbay.
Sa IV-2 ng College of Nursing, salamat at sinagot n yo ang pamasahe ko sa paglalakbay na ito. Maging sa III-7 at RLE group 3 at 4 ng IV-1, salamat sa libreng angkas nang minsang naiwan ako sa biyahe.
Sa mga nakasama ko noong nakaraang bakasyon sa “special class” na binuo ng Kolehiyo, sa mga second year na nakasama ko sa Tondo Medical Center (na sa damiy di ko na matandaan ang mga pangalan), at sa mga kaklase ko sa DE-14 ng LTS program, salamat at ginawa nyong may-saysay ang bawat minutong pagkukuwentuhan natin. Sanay magkakilala pa rin tayo sa muli nating pagkikita.
Kay Sir Joey Cruz at Maam Rhea Capuloy, salamat at ipinakilala nyo sa akin ang mga natatagong bahagi ng ating lipunan.
Kina Profs. Candy Medrana, Diana Anenias, Jeng Tan, Mila Llanes, Lourdes Bunagan, Eleanore Lerma, Roy Cadiz, Kath Chan, at Mela Timbol, salamat sa mga pagtuturo nyo at “make-ups.” Hindi lang kaalaman ang natutunan ko kundi maging ang kahalagahan ng buhay at importansya ng bawat minuto o araw na pinalagpas ko.
Kay Sir Elmer Hibek na sa kabila ng makating dila ay nagpapasalamat ako sa patuloy pa ring pagtitiwala at paniniwala sa kakayahan ko.
Kay Maam Nette Cervantes, salamat sa pakikipaglaban. Hindi ako magtatagal sa Kolehiyong ito nang wala kayo. Ikaw lang ang nakaiintindi sa akin at sa iba pang estudyanteng nagtatago sa kanilang mga anino.
Kina Mabelle, Gladys, at Krisna, salamat at hindi nyo pa rin nakalilimutan ng ating pinagsamahan.
At siyempre, sa RLE 4 ng IV-2 na binubuo nina Jeff Casu, Carmela, Ruby, Carla, Hazel, Cherryl, Rina, Honey, Rez, at Aisha, maraming salamat sa mga alaalat paalala. Malamang nasa kabilang bahagi na ako ng Pilipinas at tumatakbo nang hubad kung hindi nabuo ang grupong ito.
Kina Rich at Joh, salamat sa mga bakanteng oras at halakhak. Wala man tayong nagawang “on time,” nagpapasalamat akot natikman natin ang sarap ng buhay-estudyante.
Bagaman nasabi ko na ang “salamat” sa mga taong naging bahagi, nakasama, at nakasabay ng biyahe ko, hindi pa rin dito nagtatapos ang lahat. Ayon nga kay Regine V. sa kanyang kauna-unahang panalo: “Unti-unting mararating kalangitan at bituin/ unti-unting kinabukasan koy magniningning./ Hawak ngayoy tibay ng damdamin,/ bukas naman sa aking paggising/ kapiling koy pangarap na bituin.”
***
Sa Marso 18, magmamartsa palabas ng Arch of the Centuries ang ilang libong Tomasinong magtatapos. At pagkatapos ng kasunod na baccalaureate mass, ipapaatugtog ang UST Hymn, na gaya ng nakagawian, hudyat ng pagtatapos ng isa na namang munting programa sa Unibersidad.
Sanay bago man lang umabot sa araw na iyon, maramdaman ng mga Tomasino ang tunay na mensahe ng UST Hymnkahit ito man lang ang maibalik nating pabor sa institusyong humubog ng ating pagkatao sa loob ng apat o limang taon.
Ayon nga sa mga paborito kong linya, “Keep us in beauty… imbued with unending grace.”