Patatatagin ng UST ang pagtuturo ng ethics sa mga kolehiyo habang lalo pang papagbutihin ang iba pang mga kurso para higit pang makapaghatid ng dekalidad na edukasyon sa lahat ng Tomasino.

Ito ang sinabi ni Rektor P. Tamerlane Lana sa kanyang State of the University Lecture (SOUL) sa loob ng Medicine Auditorium sa Faculty Convocation noong Agosto 7.

Kinakailangang panagutan ng UST ang pagiging nagiisang Katolikong Unibersidad sa Asya, ani ng Rektor. Binanggit pa niya na ang pagsali ng komunidad Tomasino sa pagpapaalis ng dating Pangulo Joseph Estrada sa kapangyarihan ay isang magandang alaala na dapat balikan.

Namuno ang Unibersidad sa pagkondena ng pagbagsak ng moralidad sa lipunan na nasalamin sa bulok na pamamalakad ng dating pangulo.

Dagdag pa ng Rektor na dahil sa pagsali ng UST sa rebolusyon noong Enero, maraming nagsabi na “the sleeping giant had finally awakened.”Dapat ipagpatuloy ng Unibersidad ang pamumuno niya sa kampanya para sa moralidad sa gubyerno sa pamamagitan ng pagpapaganda ng pagtuturo ng teolohiya at ethics sa mga estudyante, ani P. Lana.

Sinabi pa ni P. Lana na ang katatatag ng Departamento ng Pilosopiya ay magbibigay ng pokus sa etika upang matutunan ng mga Tomasino ang mga prinsipiyo ng wastong pagkilos at pag-asal.

Hinimok rin ni P. Lana ang Center for Campus Ministry, Institute of Religion at Ecclesiastical Faculty na magkaisa sa paggamit ng mga malikhaing paraan upang maabot ang mga estudyante at magabayan sila sa kanilang pananampalataya.

“Our struggle to build a stronger Christian community is a continuing challenge and struggle for UST. The task invites greater creativity in drawing the concrete application of gospel message to our academic life,” wika ng Rektor.

READ
Faculty dismissal policies clarified

Kung tungkol sa kalinangan sa kurikulum ang pag-uusapan, tumaas ang bilang ng mga Centers of Excellence at Development, bahagyang napaayos ang faculty profile, at dineklara ang Physical Therapy na Kolehiyo. Nagsimula na din ang Faculty of Arts and Letters at ang College of Education ng double major and twinning program.

Samantala, ipinapakilala naman ng Faculty of Medicine and Surgery ang problem-based learning at ng Faculty of Pharmacy ang apprentice program.

Pinaalala naman ng Rector na kulang pa rin ang Unibersidad sa mga guro na may Master’s at Doctoral degrees. Pinuri niya ang College of Nursing na nagkaroon ng 40 na MA holders sa pamamagitan ng isang “fast-track program.”

“The question is if the College of Nursing can do it, why can’t you (finish your Master’s and doctoral degrees)? Not at the end of the world, I hope,” wika ni P. Lana.

Mababa pa rin ang pananaliksik sa unibersidad. Sa 110 na pananaliksik, 12 lamang ang nakaabot sa international journals.

Idinagdag pa ni P. Lana na bumuo ang Unibersidad ng linkages upang mapataas ang faculty profile at research output nito. Kabilang sa mga institusyong ito ang University of South Australia, Kyung Hee University ng Korea, Centenary College ng USA, University of Western Australia, Cabrina Hospital ng Victoria, Australia, University of Queensland ng Australia, Karolinski Institute Department of Medical Radiology in Sweden, University of Strathclyde ng Scotland, University ng Tokyo, Fukuoka University in Japan, Heini-Heinrich University, Dusseldorf University ng Hannover, Germany, Universitat Autonoma de Barcelona ng Spain, University of Illinois ng Chicago, National Institute of Health ng Maryland, USA, at Manchester Institute of Science and Technology ng UK.

READ
New bill seeks to protect students from faculty bullying

Ibinalita rin ng Rektor ang malapit nang matapos na Research Complex na nakakatulong upang mapasaayos ang pananaliksik sa Unibersidad. Nabigyan na rin ng bagong kagamitan ang Microbiology Research laboratory. Nadagdagan naman ng ultra low freezer, incubator shaker at refrigerated centrifuge ang Natural Sciences Research Center at karagdagang computer sa UST Graduate School.

Sa pamamagitan ng Community Development Program, mayroong 16 na komunidad na inaalagaan ang UST. Upang mapalawak ang social awareness ng mga Tomasino, mayroon na ring adult distance education.

“It (community development) is a humble fulfillment of the Thomasian community, commitment to the spirit of service to others for the promotion of social justice and to contribute to the progress of society to which the university belongs,” wika ni Rektor.

Itinatag din ng Rektor ang “collaborative spirit of a truly service-oriented leadership.” Nagkaroon na rin ng mga hakbang para sa decentralization ang administrasyon sa pamamagitan ng pagpapalakas ng opisina ng Bise-Rektor.

Nagkaroon na rin ng Bise-Rektor para sa Academic Affairs. Naghiwalay na din ang Planning at Research.

“This concept of leadership finds meaningful expression in the shared responsibility and participative management. Thus, our concept and philosophy of leadership in the academies also inspired by the christian idea of leadership, a calling and the authority that emanates from it is for service,” wika ni Rektor.

Nabanggit din ng Rektor ang tagumpay ng mga estudyante, tulad nina Valerie Ku at Reyann Kong. Sinabi rin niyang mahalaga ang magandang pagsasama ng administrasyon at unyon upang masakatuparan ang mission vision ng Unibersidad.

“The shared vision of the administration at union with shared vision of 2011, respond to change, according leadership, both harmon of hearts in the university. That is our calling as Christian educators,” wika ng Rektor. Maria Pacita C. Joson

READ
Casting a ray of hope

LEAVE A REPLY

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.