BUBUHAYIN ng Unibersidad ang Kagawaran ng Filipino matapos itong buwagin tatlumpo’t isang taon na ang nakalilipas at ilapat sa kasalukuyang Kagawaran ng Wika

Ito’y ibinalik para makisabay sa pagdiriwang ng ika-apat na raang taon ng Unibersidad sa 2011.

Si Imelda de Castro, isang propesor ng Filipino sa Faculty of Arts and Letters, ang mamumuno ng baging departamento sa darating na semester.

Ayon kay Marilu Madrunio, puno ng Kagawaran ng Wika, mas mabibigyang pansin na ang mga pangangailangan ng mga propesor ng Filipino ngayong may sarili na silang kagawaran.

“Karamihan sa mga isyu sa aming departamento ay walang kinalaman sa Filipino. Ngayong may sarili na silang kagawaran, magkakaroon sila ng sariling pondo na maaaring magpalaganap ng Filipino sa Unibersidad” ani Madrunio.

Dati nang may Kagawaran ng Filipino ngunit ito’y binuwag noong 1979 at sa halip ay inilipat na lang sa general education subjects.

Sa ilalim ng dating pamamalakad, ang Department of Languages ay nangangasiwa rin sa kagawaran ng wikang Ingles, Español, at Filipino. Ang tatlong departamento rin ay naghahati sa iisang badyet.

Maaari ring magkaroon ng sariling gabay sa ortograpiya ang Unibersidad kung makakabuo ang Kagawaran ng Filipino nito, dagdag ni Madrunio.

Noong nakaraang taon, binalik rin ang Departamento ng Kasaysayan sa bagong pamumuno ni Augusto De Viana. Bahagi ang kagawaran ng Filipino at Kasaysayan ang proyekto ng Unibersidad na vertical articulation kung saan binubuo ng mga sariling departamento ang iba’t ibang disiplina para mapalawak ang pagaaral dito.

Sabi ni Madrunio, inabot sila ng apat na taong pangungulit sa administrasyon para mabuong muli ang departamento.

READ
Seminary holds journalism workshop

“Apat na taon na naming hinihiling sa administrasyong ibalik muli ang departamento. Ngayong mag-aapat na raang taon na ang Unibersidad, ito na ang repormang hinihintay nating magpapalakas sa Filipino. Darenn G. Rodriguez

LEAVE A REPLY

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.