GINAWARAN ng Center of Excellence (COE) status ang kursong Biology ng UST matapos itong sumailalaim sa inspeksiyon ng Commission on Higher Education (Ched) noong ika-2 ng Hulyo.
Sa isang liham noong ika-9 ng Agosto, sinabi ng komisyon na nakamit na ng UST ang pamantayan ng Ched evaluation panel para sa biology.
“Based on the [Technical Panel for Biology’s] recommendations, the Ched en banc during its special meeting last July 7 has decided to approve your designation as a Ched center of excellence in biology from July 8, 2010 to August 14, 2011 which is the expiration of its original designation,” pahayag ng Ched sa isang liham kay Rektor P. Rolando de la Rosa, O.P. Nakakuha ang Varsitarian ng kopya ng liham.
“Kumpiyansa parin kami na COE pa rin kami sa 2011 dahil patuloy kaming nagsisipag sa pag-develop ng aming department,” ani Pagulayan.
Ang Biology ay center of development mula taong 2003, matapos itong mabigong makakuha ng COE status noong 2006.
Ang UST ay isa na sa limang pamantasan na mayroong COE status sa biology. Ang iba pang mga eskuwelahan ay University of the Philippines (UP) sa Diliman, UP-Los Baños, De La Salle University, at Mindanao State University.
Ang iba pang kurso sa UST na may COE status ay Philosophy, Literature, Chemistry, Architecture, at Nursing. Darenn G. Rodriguez