ANG PAMBANSANG bayani at Tomasinong si Jose Rizal ay hindi lamang kilala sa Unibersidad dahil sa kaniyang mga ambag sa lipunan ngunit dahil na rin sa kaniyang matataas na antas.

Sa edad na 16, umani si Rizal ng maraming sobresaliente, isang markang iginagawad sa mga mag-aaral na nagpakita ng pambihirang kakayanan sa pag-aaral ng asignatura.

Nakamit ni Rizal ang mga markang sobresaliente noong 1877 sa kaniyang preparatory course para sa Theology at Law. Ayon sa akdang From Calamba to Bagumbayan: The Development of Rizal’s Nationalism ni Celestina Boncan, kinuha ni Rizal ang nasabing kurso sa Faculty of Philosophy and Letters, Arts and Letters ngayon. Ngunit ito ay taliwas sa arkibos ng Unibersidad na nagsasbing walang Faculty of Philosophy and Letters noong taong pumasok si Rizal sa Unibersidad, tanging Faculty of Theology, Canon Law, Civil Law, Medicine at Pharmacy lamang ay mayroon.

Bagaman kalilipat pa lamang mula sa Ateneo Municipal, nakamit niya ang pinakamatas na markang ito.

Mula sa 60 na mag-aaral sa klase, isa si Rizal sa walong mag-aaral na nakakuha ng apat na sobresaliente para sa mga asignaturang Cosmology, Metaphysics, Theodicy at History of Philosophy. Ang mga paksang ito ay maaaring makuha mula sa Faculty of Theology, Civil Law at Canon Law.

Pagkatapos ng unang taon ni Rizal sa Unibersidad noong 1878, nakatanggap siya ng liham mula kay P. Pablo Ramon, dating rektor ng Ateneo, na nagsasabing Medisina ang kursong nababagay sa kaniya kaya’t sa sumunod na pampaaralang taon ay nagpalit ito ng kurso tungong Medisina na kinuha niya sa Unibersidad.

READ
UST tops teachers' boards, improves in engineering

Ayon sa akdang From Calamba to Bagumbayan: The Development of Rizal’s Nationalism ni Celestino Boncan, tanging Advanced Chemistry lamang ang asignaturang namarkahan ng sobresaliente sa kaniyang unang taon sa Medisina.

Sa sumunod na dalawang taon, sa Therapeutics naman nakamit ni Rizal ang markang ito.

Sa kaniyang pagtatapos sa ikatlong taon ng Medisina, siya ang pumangatlo sa kanilang klase.

Noong huling taon ni Rizal sa Unibersidad, siya ay nagtapos na may ikalawang pinakamataas na kabuuang grado sa kabila ng hindi pagkakaroon ng sobresaliente sa kahit anong asignatura.

Ang mga mabababang marka ni Rizal sa Unibersidad ay hindi naiwasang maikumpara sa mga gradong natanggap niya noong siya’y nag-aaral pa lamang sa Ateneo. Isa sa mga naging dahilan nito ay ang magkaibang antas ng pag-aaral kung saan kinuha niya sa Ateneo ang high school samantalang sa Unibersidad naman ang tersiyaryong antas. Sa panahong iyon, UST lamang ang may kapangyarihang magbigay ng pang-bastilyer na degree sa mga mag-aaral.

Apat na taon ang iginugol ni Rizal sa pag-aaral ng Medisina sa Unibersidad at ipinagpatuloy niya ito sa Espanya kung saan siya nagtapos.

Tomasino siya

Alam niyo bang isang Tomasino ang nasa likod ng Valucare, isa sa mga pinakamalaking institusyong pangkalusugan sa Pilipinas na tumutulong sa mga maysakit?

Nagtapos noong 1978 sa kursong Bachelor of Science in Commerce major in Accounting, si Rosemarie Yu ang kasalukuyang chief operating officer ng Valucare.

Itinatag noong Hunyo 1997 sa pamamahala ni Dr. Charles Chante, ito ay may layuning makapagbigay ng mataas na kalidad sa pagbibigay-pansin sa kalusugan ng mga mamamayan.

READ
Holy See to Abu: Make peace

Sa pamumuno ni Yu, lumawak ang pagkakakilala sa Valucare sa pagbibigay ng mga health care promos gaya ng “Preggy, Pretty n’ Healthy.” Binibigyan dito ang mga nagdadalang-tao ng suplemento na naglalaman ng mga gabay para sa malusog na pagbubuntis. Kasama ng Valucare sa proyektong ito ang Makati Medical Center.

Ang Valucare ay mayroon pang ibang institusyon gaya ng St. Luke’s Bonifacio Global City, na umanib sa kanila sa pagbibigay ng pangangalaga sa mga miyembro ng Valucare na mayroong Valucare card, isang card na nagbibigay ng prebilehiyo sa mga miyembrong nagmamayari nito.

Isa pang malaking proyekto na pinamunuan ni Yu ay ang “Reviving Valulink” kung saan ibinalik niya ang website ng kompanya dahil nais niyang mapalawak ang kanilang mga hangaring pagkalusugan sa mabilis at makabagong paraan.

Noong Oktubre ng nakaraang taon, pinarangalan si Yu ng Outstanding Thomasian Alumni Business Leader sa nakaraang Thomasian Global Trade Expo.

Tomasalitaan

Galiyak (png) — halakhak

Halimbawa: Dinig na dinig ang galiyak ng mga mag-aaral nang tuksuhin ng propesor ang namumulang pisngi ni Irish.

Mga Sanggunian

Celestina Boncan, From Calamba to Bagumbayan: The Development of Rizal’s Nationalism

Fidel Villaroel, O.P., Jose Rizal and the University of Santo Tomas (1984)

Si Jose Rizal bilang isang Tomasino

LEAVE A REPLY

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.