PORMAL nang binuksan ang mga ipinatayong silid-aralan ng pamunuan ng National Service Training Program (NSTP) ng UST para sa mga mag-aaral at guro ng ilang pampublikong paaralan sa Samal, Bataan.

Pinangunahan ni P. Paul Andrew Sayon, O.P. spiritual director ng UST Central Seminary, ang pagbasbas sa mga silid-aralan na binuo ng mga estudyanteng kumuha ng Civic Welfare Training Service noong nakaraang taon.

Ang mga mababang paaralan ng F.C. Del Rosario, Adamson, at Gugu na nakinabang sa proyekto ay ilan lamang sa mga nakararanas ng kakulangan sa silid-aralan at kagamitan.

Ipinahayag ni Ronie Mendoza, Department of Education district supervisor ng Samal, na malaki ang naging bahagi ng proyekto sa pagsagot sa kakulangan ng mga silid-aralan dahil hindi na nila kinakailangan pang magkaroon ng mga klase sa mga palaruan.

“Ang Samal ang may pinaka-mababang budget sa edukasyon sa lahat ng bayan sa Bataan, pero ipinagmamalaki ko na, sa kabila noon, nasa ika-limang puwesto pa rin ang Samal sa National Achievement Test sa lahat ng bayan sa Bataan,” ani Mendoza.

Ang pagpapatayo ng mga silid-aralan ay ang kontribusyon ng pamunuan ng NSTP sa pagdiriwang ng ika-400 na taon ng Unibersidad. Isinakatuparan din ng proyekto ang adhikain ng NSTP na makapagbahagi sa pagpapaunlad ng mga komunidad sa bansa.

Sumunod ang pagbabasbas ng mga silid-aralan sa mga bayan ng Zaragoza at Bongabon sa lalawigan ng Nueva Ecija noong Agosto 21 at 24.

READ
Buhay artista

LEAVE A REPLY

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.