NASUGPO nga ba ng sin tax reform law ang talamak na paggamit ng alkohol at sigarilyo sa bansa?

Ilang buwan na ang nakalilipas mula ng implementasyon nito ngunit tila walang malaking pagbabago ang naidulot ng batas, ani Senate President Franklin Drilon, isa sa nagtataguyod nito.

Upang ilayo ang mga tao sa bisyo, mas lalong tumaas ang excise tax ng mga inumin na alkohol at sigarilyo sa halip na gawin itong ilegal. Ayon sa Bureau of Internal Revenue, ang excise tax ay pinapataw sa mga kalakal pang-konsumpsiyon na ginawa sa Pilipinas.

Ayon kay Drilon, datapwa’t umaabot ang buwis na nakukuha nila mula sa sin tax law sa layunin ng gobyerno, hindi pa rin bumababa ang kalagayan ng paninigarilyo sa bansa.

Sa isang pananaliksik na may titulong “The Philippine Tobacco Industry: the strongest tobacco lobby in Asia” nina K. Alechnowicz and S. Chapman, nabanggit na ang mga sigarilyo na ginawa sa Pilipinas ay naglalaman ng walong porsiyentong mas maraming nicotine at 76 porsiyentong mas maraming tar kumpara sa mga tatak galing sa ibang bansa.

Ikinumpirma ni Dr. Salve Olalia, direktor ng UST Health Services, na mas malala ang epekto ng lokal na sigarilyo.

“[Base sa pagsusuri na ito,] para sa akin at sa maraming ibang propesyunal, mas mapanganib ang mga sigarilyo na ito,” ani Olalia.

Samantala, ayon kay Drilon, magkakaroon din ng unitary tax kung saan mayroong one-tax rate o pantay ang buwis ng lahat ng klase ng sigarilyo. Itinanggi rin ni Drilon na mas nag karoon ng cigarette smuggling sa bansa dahil sa sin-tax law.

READ
Should the old compulsory ROTC be restored?

Ipinapanukala rin ni Drilon na magdikit ng larawan ng masasamang epekto ng paninigarilyo sa lalagyan ng mga sigarilyo, tulad ng naipatupad na sa ibang bansa.

Kagaya na lamang sa Australia kung saan nagkaroon na ng mga grapikong imahe ng mouth ulcers, cancerous lungs at gangrenous limbs sa lalagyan ng sigarilyo mula sa simula ng taon ito.

Ayon sa isang artikulo sa New York Times, masyado pang maaga para malaman ang epekto ng batas.

Bagama’t hindi pa ito naipapatupad sa Pilipinas, marami ng naninigarilyo ang nagrereklamona pumangit na ang lasa ng mga sigarilyo.

Ito ay isang epektong pangkaisipan bunga ng pagtaas ng bilihing sigarilyo kung saan may iklinasyong mag-iba ang lasa nito para sa mga gumagamit, ayon kay Australian Health Minister, Tanya Plibersek.

Buhay bisyo

Ayon sa National Statistical Coordination Board (NSCB), 28 porsiyento o 17.3 milyong Filipino sa edad 15 at pataas ay naninigarilyo ng tabako. Bukod pa rito, 23 porsiyento naman ng matatandang Filipino ang naninigarilyo ng tabako araw-araw.

Sinabi ni Olalia na nahihirapan tumigil ang mga naninigarilyo dahil sa nicotine sa loob nito, tulad na lamang ng mga magaaral sa Unibersidad.

“Naadik ang mga naninigarilyo dito sa “nicotine.” Kaya marami pa ring Tomasino ang naninigarilyo sa labas ng kampus,” ani Olalia.

Kasama ng Sin Tax Law, sinabi ni Olalia na dapat din ipatupad ang Tobacco Control Act na may awareness campaigns para imulat ang mga tao sa panganib ng paninigarilyo.

Ang Pilipinas ay sa mga pumirma sa World Health Organization Converntion on Tobacco Control sa 2005. Ito ay isang internasyonal na kasunduan na nagsasabing kailangang magkaroon ng babala sa lalagyan ng mga sigarilyo.

READ
Despite rain, thousands flock to La Naval

Binanggit din ng NSCB na 26.9 porsiyento ng mga Pilipino sa edad 20 pataas ay umiinom ng alkohol.

Inihayag din nila na 47.5 porsiyento sa mga kalalakihan ang umiinom ng alak, ngunit 9.8 porsiyento lamang sa kababaihan.

LEAVE A REPLY

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.