Wednesday, July 17, 2024

Tag: Agosto 20, 2013

Faculty Union, umalma sa ‘K to 12’

NAKALIGTAAN nga ba ang mga guro sa kolehiyo sa mga usapin sa K to 12?

Pumirma ang 17 opisyal ng mga faculty union sa isang petisyon para sa Pangulong Benigno Aquino III, ng iba’t ibang pribadong kolehiyo at unibersidad sa Kamaynilaan upang magkaroon ng faculty representation sa pagbabalangkas ng Implementing Rules and Regulations ng Enhanced Basic Education Act o mas kilala bilang K to 12 Law. “There is a need for all stakeholders to be represented in the drafting of the Implementing Rules and Regulations if only to properly address the foregoing issues and concerns of those affected faculty and staff of private colleges and universities,” batay sa kopya ng petisyong nakalap ng Varsitarian.

Ustet application, ‘online’ na

MAAARI nang mag-aplay ang mga magsisipagtapos na estudyante ng high school para sa entrance test ng Unibersidad, ang Ustet, kahit pa hindi na personal na magtungo sa UST, ayon sa Office for Admissions (OFAD).

Simula ngayong taon, sa pamamagitan ng online application, ay maaari nang mabayad ng testing fee ang mga aplikanteng freshmen sa Metrobank at magpasa ng mga dokumentong kailangan gamit ang mail delivery ani Marie Ann Vargas, direktor ng admisyon.

“If they do not have time to come over, they can pay [the testing fee] in Metrobank and send their documents through LBC. But if they want to visit the University, they can apply onsite,” aniya.

Nutrition, PT, OT, humataw sa pagsusulit

PATULOY ang mga Tomasino sa pangunguna matapos magtala ng matataas na marka sa mga nakalipas na board exams sa mga kursong Nutrition and Dietetics, Physical Therapy (PT) at Occupational Therapy (OT).

Dalawang Tomasino ang nanguna sa nakalipas na PT licensure examinations, habang bahagya namang bumaba ang marka ng Unibersidad sa OT board exams.

Pinangunahan nina Phoebe Dawn Evangelista at Jerome Delfin Paguyo ang limang Tomasino sa top 10 ng PT boards matapos parehong makamit ang unang pwesto ng may 86-porsiyentong marka. Noong nakaraang taon, tatlong Tomasino ang napabilang sa top 10.

World Youth Day sa Pinas: ‘Ipalaganap si Hesukristo’

PINATUNAYAN ng mga kabataang Pilipino ang kanilang nag-uumapaw na pananampalataya kay Hesus sa pakikilahok sa lokal na pagdiriwang ng World Youth Day.

Taglay ang temang “Go and make disciples of all nations,” nagtipun-tipon ang humigit kumulang 5,000 na Katolikong Pilipino sa “World Youth Day Rio to Cubao 2013” sa Ateneo Blue Eagle Gym noong Hulyo 27 at 28. Ito ang lokal na pagdiriwang ng ika-28 na World Youth Day (WYD) na ginanap naman sa Copacabana Beach, Rio de Janeiro, Brazil na nagsimula noong Hulyo 23.

Sa homiliya ni P. Daniel Sta.Maria, kura-paroko ng Parish of the Hearts of Jesus and Mary, nanawagan siya sa kabataan na mas pagtibayin pa ang personal na ugnayan kay Hesus.

Dalawang paring Dominiko, pumanaw

PUMANAW na ang dalawang paring Dominiko na nagbigay ng taos-pusong serbisyo sa Unibersidad.

Sa P. Antonio Cabezon, O.P. ay pumanaw sa edad na 86 noong Hulyo 31 dahil sa “isang malubhang karamdaman,” ayon kay Fr. Franklin Beltran, O.P., kura-paroko ng Santisimo Rosario Parish Chapel.

Samantalang, si P. Vicente Cajilig, O.P. ay pumanaw sa edad na 63 nang atakihin sa puso sa UST Hospital noong Agosto 5.

Animnapung taong serbisyo

Ayon kay Beltran, isang malaking kawalan ang yumaong pari para sa buong Order of Preachers.

Tomasino, gagawing ‘Beato’ ng Simbahan

ISANG Tomasino ang hihiranging “Blessed” ng Simbahang Katolika sa darating na Oktubre.

Ayon sa pahayag ng Vatican noong Hulyo 19, si Jose Maria de Manila, isang Capuchinong pari, kasama ng 500 pang Espanyol na martir, ay nakatakda para sa beatipikasyon sa Okt. 13.

Ang seremonya na gaganapin sa Tarragona, Spain ay pangungunahan ni Kardinal Angelo Amato, prefect ng Congregation for the Causes of the Saints. Tatawagin ang pari bilang “Blessed Jose Maria de Manila.” Si Jose Maria o Eugenio Sanz-Orozco, ang isa sa libu-libong martir na pinatay ng mga Espanyol sa Madrid noong Agosto 17, 1936 upang sugpuin ang Kristiyanismo sa bansa.

‘Debarment’ sa Civil Law, taunan na

SIMULA ngayon, taunan na ang debarment sa Faculty of Civil Law.

Ginawa ito upang mabigyan ng mas mahabang panahong maghanap ng lilipatan ang mga estudyanteng nagkabagsak ng mga asignaturang katumbas ng siyam na yunit.

“[We imposed the annual debarment] to enable students to look for another school where they can transfer in case they do not meet the required average in the Faculty,” ani Dean Nilo Divina ng Faculty of Civil Law. “Based on previous experiences, if you do the semestral debarment, there is not much time to look for another school considering that there is one or two weeks before the next semester.”

Susunod pa rin ang Civil Law sa patakaran ng UST na ang estudyante ay “debarred” kapag nagkabagsak ng siyam na yunit.

Pangalagaan ang wikang Filipino

SA PANAHON ng Internet, social networking sites at new media, mas naging kapansin-pansin ang pagwawalang-bahala ng mga Pilipino sa wikang Filipino. Karamihan sa atin ay pipiliing gumamit ng Ingles, nasa tamang anyo man o hindi, upang maipakita na “matalino at may pinag-aralan” ang isang tao. Ang iba naman ay gumagamit ng sariling wika, ngunit ibinaon naman ang halaga nito sa mga numero at pagpapaikli gaya ng mga nasa text messages. Ngunit ang pinakamasahol sa lahat ay ang karaniwang kasanayan nating mga Pilipino na hindi maalis sa ating mga dila—ang “Taglish.”

Palakasin ang ‘humanities,’ agham panlipunan

KAMAKAILAN lamang, naging tampok na usapin na naman sa aming klase ang kasalukuyang pagbaba ng pagtingin ng lipunan sa mga kursong nakapailalim sa humanities at social sciences.

Nakalulungkot na hindi lamang pagbaba ng tingin, kundi pagbaba ng pagkuha ng dami ng mga kursong tulad ng sosyolohiya, literatura, masining na pagdula, pilosopiya, antropolohiya, musika at relihiyon ang nagaganap. Kadalasang dahilan ng mga tao: hindi raw ito praktikal at walang patutunguhan sa kinabukasan, kumpara sa mga kursong may relasyon sa matematika at agham at teknolohiya.

“Aanhin mo ang pag-aaral ng kultura ng tao, ‘e di ka naman pakakainin niyan pagka-graduate mo,” wika ng karamihan.

Ang tunay na hari ng kalsada

AYON sa datos, 12 porsiyento ng bilang sa buong bansa ay nagsisiksikan sa Metro Manila. Kulang pa sa 3 porsiyento ng kabuuang 205,000 km na road systems sa buong bansa ang nasa Metro Manila, ngunit halos 30 na bahagdan ng mga sasakyan sa buong bansa ay nakarehistro rito. Dito pa lamang ay makikita na ang bigat ng problemang pantrapiko sa Metro Manila—malaking bilang ng mga mamamayan, malaking bilang ng mga sasakyan, at hindi sapat na daan para sa lahat ng ito.

LATEST