PUMANAW na ang dalawang paring Dominiko na nagbigay ng taos-pusong serbisyo sa Unibersidad.

Sa P. Antonio Cabezon, O.P. ay pumanaw sa edad na 86 noong Hulyo 31 dahil sa “isang malubhang karamdaman,” ayon kay Fr. Franklin Beltran, O.P., kura-paroko ng Santisimo Rosario Parish Chapel.

Samantalang, si P. Vicente Cajilig, O.P. ay pumanaw sa edad na 63 nang atakihin sa puso sa UST Hospital noong Agosto 5.

Animnapung taong serbisyo

Ayon kay Beltran, isang malaking kawalan ang yumaong pari para sa buong Order of Preachers.

“He was a very faithful and loyal servant of God. He served many positions, not only in the University, not only in different colleges, but also in the order,” ani Beltran sa isang panayam sa Varsitarian.

Si Cabezon ay inordenahan noong Hulyo 15, 1951 sa Dublin, Ireland at gumugol ng halos 60 taong serbisyo sa Unibersidad.

Sinimulan ni Cabezon ang kanyang serbisyo sa Unibersidad sa pagtatapos ng kanyang doctorate sa Sacred Theology sa Unibersidad.

Humawak ng iba‘t ibang administratibong posisyon sa Unibersidad si Cabezon kasabay ng pangunguna sa mga pastoral ministries hanggang 2013.

Naging propesor siya sa UST Ecclesiastical Faculties at ng bioethics noong 1952 at naging regent ng UST College of Nursing mula 1976 hanggang 2006.

Sa isang annual Rector’s report na may temang “400 Years of Service: Impelled by Faith, Propelled by Love, Compelled by Love” noong Setyembre 8, 2010, pinuri ni P. Rolando De la Rosa, O. P. si Cabezon dahil sa mga inobasyong ibinahagi niya sa College of Nursing.

Ayon kay De la Rosa, sa pag-upo ni Cabezon bilang regent, nagkamit ng karangalan bilang isa sa nangungunang nursing schools sa bansa ang nasabing kolehiyo.

READ
Thank you, PDAF—and good riddance!

Bukod dito, naging administrador din si Cabezon ng UST Hospital mula 1969 hanggang 1976 at 1982 hanggang 1985.

Si Cabezon ay nagsilbi ring regent ng UST Reserve Officer Training Course, UST Normal School at Grade School noong 1968 hanggang 1969, at ng Faculty of Medicine and Surgery sa parehong taon.

Noong 1965 hanggang 1968, si Cabezon ay nagging rektor at tagapamuno ng Colegio de San Juan de Letran.

‘Serbisyo sa loob at labas ng Unibersidad’

Sa kabilang banda, si Cajilig ay nagsisilbi bilang Spiritual Director ng Pro-Life Philippines Foundation, Inc. at chaplain ng Employees and Collegiate Department ng Colegio de San Juan de Letran Manila bago ito pumanaw. Nagtapos siya sa Unibersidad noong 1971 ng Bachelor of Philosophy at ng Bachelor of Sacred Theology noong 1974. Inordenahan sa pagkapari si Cajilig noong Hunyo 28, 1975.

Sa Unibersidad niya rin tinapos ang kanyang Master of Arts in Philosophy of Religion noong 1977 at Doctorate in Sacred Theology noong 1982. Nagsilbi din siya bilang propesor sa UST Faculty of Sacred Theology noong 2003.

Humawak ng iba’t ibang posisyon sa Unibersidad si Cajilig, katulad ng pagiging Spiritual Director ng Central Seminary noong 1986 hanggang 2004.

Naging editor din siya ng Boletin Eclesiastico de Filipinas, ang opisyal na publikasyon ng Ecclesiastical Faculties, noong 1983 at 1998 hanggang 2005.

Si Cajilig din ay naging Regent ng UST College of Commerce and Business Administration noong 1998 hanggang 2005.

Iba’t ibang posisyon din sa labas ng Unibersidad ang ginampanan ni Cajilig, katulad ng pagiging executive secretary ng Office of Education and Students Chaplaincy ng Federation of Asian Bishops Conference noong 1990 hanggang 2013.

READ
Colorful, reader-friendly DBM booklet makes proposed 2016 national budget understandable

Nagsilbi si Cajilig bilang regent of studies ng Dominican Province of the Philippines noong 1998 hanggang 2004 at ng Research Center for Contextualized Theology noong 2002 hanggang 2005.

LEAVE A REPLY

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.